Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 May 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/08/30

Tagalog News: Food fortification at eksportasyon ng malunggay, pinag-aaralan

Ni Miriam P. Aquino

San Fernando City, La Union (30 August) -- Binibigyang-pansin ngayon ng Departamento ng Agrikultura ang pag-aaral hinggil sa pagpoproseso ng malunggay para sa food fortification upang gawin itong isa sa mga pangunahing pagkain na makakatulong sa paglutas ng malnutrisyon sa bansa at pati na rin sa pamumuhay ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pangangalakal ng naturang tanim na gulay.

Ang naturang gulay na kilala sa Englatera bilang moringa at sajina sa India, ay napatunayan base sa pag-aaral ng isang biochemists at molecular anthropologists, bilang isang magandang source ng bitamina C, bitamina A, iron at high density lipoprotein (LDL), na mas kilala bilang good cholesterol. Ito ay ayon kay director Alicia Ilaga ng DA Biotechnology Program Office na siyang nagmo-monitor sa lahat ng proyektong may kinalaman sa development ng agricultural biotechnology products.

Ani Ilaga, sa pamamagitan ng pag-aaral sa malunggay, makikita rin ang kahalagahan ng puno nito na isa ring potensiyal na mapagkukunan ng mga substance na maaaring magamit sa pagpoproseso ng mga gamot na kakailanganin ng mga industriyang parmasyotiko at cosmetic industry.

Hinihikayat ni Ilaga ang ilan sa mga eksperto ng iba't-ibang ahensiya na magtulungan at magbuklod-buklod gaya ng Department of Health (DOH), National Nutrition Council (NNC), Bureau of Plant Industry (BPI), National Anti-Poverty Commission (NAPC), Food and Nutrition Research Institute (FNRI), Nutrition Center of the Philippines (NCP), at Secura Philippines, Inc., isa umanong lokal na biotech firm, upang magkaisa at magtulungan sa pagpaparami at pagproseso ng tanim na malunggay.

Nasabi pa na ang ang pagtatanim at pangangalaga ng mas marami pang puno nito ay ibibigay sa 10 pinaka-mahirap na mga probinsiya ng bansa, karamihan ang sa National Capital Region., kung saan naman puwedeng mabuhay ang naturang pananim nang hindi kailangang tutukan o alagaan.

Dito sa Rehiyon I, base sa dinaluhang seminar ng mga Regional Nutritionist sa Baguio na pinangunahan ng University of the Philippines- Philippine General Hospital U.P.-PGH at pinondohan umano ng UNICEF, napag-alaman natin na isa namang gamot o bitaminang gawa sa malunggay na nasa tableta umano ang ibinebenta na ngayon sa iba't-ibang botika para sa mga inang nagpapasuso o breastfeeding o lactating women.

Ginagamit umano ito upang lalo pang lumakas ang produksiyon ng gatas o breastmilk ng naturang mga ina at matustusan ng husto ang sapat na pangangailan sa gatas-ina ng kanilang mga dumededeng sanggol.

Bahagi din ito ng malawakang kampanya ng Departamento ng Kalusugan (DOH) na "Breastmilk is best for Babies up to 2 years". (PIA La Union) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PRO5 spearheads peace rally against terrorists' atrocities
»Regular calamity fund to double in 2008 - PGMA
»Two Bicolanos among 28 Pinoy youth ambassadors to 34th SSEAYP
»Save gas, reduce fuel consumption - Rep. Garcia
»Davao to celebrate cerebral palsy awareness week
»Mindanao leads production of quality bananas
»Transport franchising devolution urged
»Davao bizmen seek agri processing zone
»BIMP-EAGA CIQS gains new ground
»Feature: Not even the whole of Basilan is on fire
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines