Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 29 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/01

Tagalog News: PGMA ipinagmalaki ang pagkakaroon ng gender equality sa bansa

Manila (1 October) -- Ipinagmalaki ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagkakaroon ng gender equality sa bansa sa ginanap na pagpupulong ng Women Leaders' Working Group sa New York na pinangungunahan ni US Secretary Condoleezza Rice, isa sa mga pinakamakapangyarihang babae sa buong mundo.

Binanggit ng Pangulo na malaki ang ginagampanan ng mga kababaihan sa bansa at ipinagmamalaki nito ang tagumpay na naibahagi ng mga ito sa Pilipinas kasabay ng pagpapatupad ng mga batas na nagbibigay proteksiyon sa mga kababaihan tulad ng anti-trafficking, anti-domestic violence, at anti-sexual harassment.

Binanggit din ng Pangulo ang dalawang US-assisted projects sa Mindanao kung saan isa dito ay ang pagbibigay tulong sa mga kababaihan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa pamamagitan ng pagsasagawa ng training at technical assistance sa kanilang kabuhayan, financial management, marketing skills at pagpapatupad ng mga proyektong makakatulong sa ikabubuhay ng mga mamayan sa ARMM.

Nagpasalamat naman ang Pangulong Arroyo sa United States sa tulong na ibinibigay nito upang maipatupad ang mga iba't-ibang proyekto sa bansa hindi lamang para sa kababaihan kundi pati narin sa mahihirap na mamamayan at umaasa itong magpapatuloy pa ang magandang samahan ng Pilipinas at US. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»City councilor commends Pintados for community services and initiatives
»Feature: Region 8 boasts many talented, artistic students
»2nd Pintados reg'l cheer dance competition draws overflowing crowd
»Mayors laud Sen. Roxas for interacting with Leyte chief executives
»Senator Roxas hints at possible postponement of barangay elections
»LMP urges Senate to approve postponement of barangay, SK polls
»Attractive package, low-cost housing scheme fuel real estate boom
»RP's corruption rank slips due to increase in number of countries covered
»Robbers take away cash, checks, vouchers from Nueva Vizcaya town hall
»NVizcaya PNP forms rebel returnees into an organization
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines