Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 29 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/03

Tagalog News: Buntis Congress, nakatakdang idaos sa Sorsogon

by Benny A. Recebido

Sorsogon Province (3 October) -- Labingpitong ina na ang nairekord ng Sorsogon Provincial Health Office na nangamatay sa panganak mula Enero hanggang noong unang lingo ng Setyembre nitong taon lamang.

Ayon kay Ms. Nena Estevez, Coordinator ng Maternal and Child Health sa probinsya ng Sorsogon, base sa bilang ng nangamatay na mga ina sa panganganak, lumalabas na ang probinsya ng Sorsogon ngayon ang kinukunsiderang may pinakamataas na maternal death rate sa buong rehiyon ng Bikol.

Kaugnay nito, isang Buntis Congress ang nakatakdang isagawa sa darating na October 11 dito sa syudad ng Sorsogon sa pangunguna ng Provincial Health Office sa pakikipag-ugnayan nito sa mga health personnel ng Chia Yi Hospital sa bansang Taiwan. Nasa 300 -350 pregnant mothers mula sa iba't-ibang mga rural health units ang inaasahan nilang dadalo sa nasabing aktiibidad.

Ang naturang statistics ang pangunahing dahilan kung kaya't ninais ng nasabing mga personalidad na magsagawa ng isang Buntis Congress upang matulungan at maisaayos ang kondisyon ng mga nagbubuntis nang sa gayon ay maiwasan ang pagtaas pa ng bilang ng maternal deaths dito sa lalawigan ng Sorsogon.

Layunin din ng isasagawang aktibidad na mapaghandaan at maturuan ang mga ito kung ano ang dapat nilang gawin sa panahon ng kanilang pagbubuntis partikular yaong nasa kategorya ng high-risk pregnancy.

Dalawampu't-isang mga personalidad na kinabibilangan ng mga doctor, pharmacist, nurses at missionaries ng Chia Yi Hospital ang darating, at kasama ng mga doctor mula naman sa Provincial Health Office ay magsasagawa sila ng laboratory testing sa mga buntis, pre-natal, urinalysis, dental care at konsultasyon. Kabilang din sa aktibidad ay ang pagbibigay ng lecture at evangelization sa mga participants. Iaassess din yaong mga buntis na dapat sumailalim sa ultrasound.

Nanawagan din si Estevez sa mga bunitis at may mga balak na magbuntis na planuhin ito at gawin ang regular na pagkukunsulta sa mga doktor o lisensyadong mga midwives sa pinakamalapit na health center sa kanilang lugar.

Ipinayo din niya na ikunsidera ang spacing sa pag-aanak kung saan pinakamababa na ang tatlong taong interval bago magbuntis uli upang mapahingahan din ang matris ng isang ina.

Maliban dito, sinabi rin niyang base sa kanilang record, lumalabas na hemmorage at preeclamsia ang mga kadahilanan ng pagkamatay ng mga nanganganak, kung kaya't ipinayo rin ni Estevez na bago pa man manganak, kinakailangang may nakahanda nang blood donor sakaling kailanganin ang pagsasalin ng dugo.

Binigyang-diin rin niya na ang high-risk pregnancy ay dala ng too early, too late at too many pregnancies. Aniya, marami ding mga nabubuntis ang hindi nabibigyan ng tamang check-up partikular sa mga teen-age pregnancies o mga nabibiktima ng rape lalo't kung itinatago ito ng mga kaanak, kung kaya't ipinayo rin niya ang regular check-up at follow-up ng mga doctor o lisensyadong midwives.

Kinakailangan rin ang regular check-up sa mga first time pregnant, sa may mga ceasarian history at maging yaong ang mga height ay nasa 4 feet pababa.

Sinabi rin ni Estevez na higit na makabubuting iwasan ang panganganak sa bahay. Mas ligtas, aniya, kung manganak sa health centers, accredited lying-in o sa ospital na mismo. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Children get biggest protection under Duterte's administration
»Capalla invites media as dialogue partners
»Davao Norte hosts 2007 Reg'l Population Quiz Bee
»Feature: DOLE looking for angels
»Davao region all set for barangay elections
»BOI Mindanao optimistic to meet its target with 10% increase
»DTI XI surpasses performance on business name registration
»Davao included in quarantine measures vs. coconut pest
»Davao Oriental focuses on infra development
»Commentary: Statistics crucial to local dev't
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines