Tagalog News: ASEAN SecGen pangungunahan ang ASEAN Schools Tour
Koronadal City (3 October) -- Pangungunahan ni Association of the Southeast Asian Nations (ASEAN) Secretary-General Ong Keng Yong ang gaganaping ASEAN Schools Tour sa October 12,2007 sa Tanauan City.
Ang ASEAN School Tour ay isang proyekto ng ASEAN Secretariat na nauna ng inilunsad ng nakaraang Hunyo at nauna ng nagsagawa ng ASEAN Schools Tour sa bansang Thailand, Cambodia, Brunei, Lao PDR, Malaysia; Singapore, Indonesia, at Vietnam.
Makakasama din ni Secretary-General Ong sa gagawing pagbisita ang mga Foreign Affairs Officials at mga kinatawan ng ASEAN embassies sa Manila kung saan makikipagkita ang mga ito sa 500 mga mag-aaral na may edad mula sa 12-16 na taong gulang mula sa First Asia Institute of Technology and Humanities (FAITH) campus at iba pang mga paaralan sa Tanauan City.
Kasabay ng kanilang pagbisita ang pagkakaroon ng iba't-ibang mga activitites na nakatuon sa ASEAN tulad ng quizzes at writing at Art contest kung saan kabilang din sa Schools Tour ang screening ng animated film on ASEAN, ang pagkakaroon ng open forum, cultural presentation, at ang gagawing tour ng mga bisita sa bawat paaralan. (Abb/PIA 12) [top]