Tagalog News: Agri-Fishery Microfinance Program itinataguyod ng DA
Manila (10 October) -- Inaprobahan kamakailan ni Agriculture Secretary Arthur Yap ang guidelines para sa implementasyon ng Agri-Fishery Microfinance Program (AFMP) na bahagi ng programa ng Department of Agriculture-Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC) at kabilang sa top five priorities ng sektor ng Agrikultura.
Nakasaad sa inaprobahang resolution No. 31-01 series of 2007 ang paglalaan P200 million na pondo para sa Agri-Fishery Microfinance Program (AFMP) na manggagaling sa Agro-Industry Modernization Credit Financing Program (AMCFP) ang katuwang ng pamahalaan na mapundohan ang mga programa sa agriculture at fisheries sector ng bansa.
Bibigyang priyoridad ng nasabing programa ang pangunahing pangangailangan ng mamamayan tulad ng palay, mais, mga high value crops na kinabibiangan ng saging, goma, pinya, mga gulay, poultry, livestock at mga fishery products. (Abb/PIA 12) [top]