Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 29 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/11

Tagalog News: Cotabato solon pinanukalang buwagin ang SK

Koronadal City (11 October) -- Inihain na ni Cotabato 2nd District Ccongressman Bernardo Piņol Jr. ang House Bill 2422 para sa pagbubuwag ng Sangguniang Kabataan at pag-amyenda ng Chapters 89 at 9 ng Republic Act 7160, ang Local Government Act of 1991.

Ayon pa sa baguhang kongresista ng Cotabato, sa loob ng mahigit labinlimang taon mula ng itinatag ang Sangguniang Kabataan, mayroon pa rin umanong pagdududa kung totoo ngang ito ay naging instrumento ng pagbabago sa kabataan at naging daan upang makamit ang totoong adhikain ng mga kabataan sa mga barangay.

Sa kanyang assessment, ang Sangguniang Kabataan umano ay nabigong gampanan ang mahalagang papel lalo na ang pagpapatupad ng mga programa at proyektong tutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga kabataan na pamahalaan ang bawat Youth affairs sa bawat barangay sa bansa.

Nagpahayag din ng pagkalungkot si Piņol sa nangyari umanong ginawa sa Sangguniang Kabataan bilang extension ng dirty politics ng ibang local politicians.

Ayon pa rin kay Piņol, ang pagbubuwag umano ng SK ay malaking tulong sa pamahalaan lalo nat umaabot sa ilang bilyong piso rin ang ginagastos tuwing Halalan ng Sangguniang Kabataan.

Hanggang ngayon maraming residente pa rin ang nagtatanong kung matutuloy sa Oktubre 29, 2007 ang SK at Barangay Elections sa kabila ng pag-certify ng Pangulong Arroyo bilang "urget bill" ang pagpapaliban ng nasabing halalan sa Agosto 2008 kasabay ng ARMM elections. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Super mega regions to propel economic growth
»Comval boasts mother's lounge
»Comelec Mti to hold candidates' briefing and covenant signing
»Comval eyes rehab of prov'l roads
»Mango, jatropha plantations to sprout at Guinsaugon landslide area
»RCDC-8 holds 2nd regional cooperative summit
»Waray-Waray News: Matungod san ekonomiya
»Gov't positioned to meet its MDG commitments - PGMA
»President Gloria Macapagal-Arroyo's Speech during the Launching of the 2007 Global Millennium Development Goals Report and The Philippines Midterm Progress Report
»CES Board conducts strategic conversation with Region 8 administrators
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines