Tagalog News: Mahigit 60 "high risk to flooding" na mga barangay natukoy
by Andrew Hornales
Koronadal City (11 October) -- Iniulat ni Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geo-Sciences Bureau Chief Geologist na umaabot sa mahigit animnapung (60) barangay dito sa lalawigan ng South Cotabato ang natukoy na mga "high risk to flooding" batay sa isinagawang flood vulnerability assessment ng Allah Valley landscape.
Kabilang sa mga flood-prone areas ang New Dumangas, Edwards, Lamsolon, at Sinolon ng bayan ng T'boli; Upper at Lower Maculan, at Halilan ngLake Sebu; Buenavista, Tubi-ala, Veterans, Colongolo, Moloy, Duengas, Talahik, Dajay, Naci, Lambontong at Lamsugod ng Surallah.
"High risk to flooding" din ang mga barangay ng Lam-afus, Reyes, Improgo Village, Yangco, San Jose Cabuling, Benitez, Rizal Poblacion, Kusan, El Nonok, at Malaya ng Banga; Lapus, San Jose, Simsiman, Liberty, Lopez-Jaena at San Miguel ng Norala.
Habang pinag-iingat naman ang mga resident eng M. Roxas, Ambalgan, Panat at Poblacion ng Sto. Niņo na kabilang din sa mga flood-prone areas ng lalawigan.
Ang pangunahing dahilan ng pagbaha, ayon kay Flores, ay ang malakas na pag-ulan, forest cover, iba't ibang uri ng luoa ng sakop ng Allah Valley Landscape, at ang kakulangan ng flood management at structural control.
Upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mamamayan lalo na sa pag-iwas at paghahanda sa anumang kalamidad, nagsagawa ng Information Education Communication (IEC) program ang DENR-MGB sa pakikipagtulungan ng Allah Valley Landscape Development Alliance (AVLADA) na kinabibilangan ng lectures flooding vulnerability at ang pamamahagi ng mga IEC materials. (PIA 12) [top]