Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 29 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/15

Tagalog News: Gawad Kalinga housing project sa Guinlajon sisimulan na

Sorsogon City (15 October) -- Matagumpay na naisagawa ang ground-breaking ceremony kasabay ng isang maikling programa noong nakaaraang Sabado, October 6, kaugnay ng paghahanda para sa Gawad Kalinga Housing Project sa Brgy. Guinlajon, dito sa syudad ng Sorsogon.

Matatandaang kabilang sa mga paghahanda noon ni former City Mayor Sally A. Lee ay ang pagsasagawa ng series of landbanking sa pamamagitan ng mga personal donations at pagbibili ng lupa kung saan ang pondo ay mula sa Calamity Assistance and Rehabilitation Effort o CARE Project for Bicol ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa isinagawang programa, inihayag ni Governor Sally Lee ang historical background sa pagkakaroon ng Gawad Kalinga Housing Project dito sa lalawigan ng Sorsogon. Aniya, noong siya ay city mayor pa lamang, target niyang magkaroon ng ilang GK housing project sa syudad, subalit sa kasalukuyan mas nagiging malawak na ang scope nito sapagkat, aniya, ang Gawad Kalinga Housing Project ngayon ay provincewide na sa Sorsogon.

Ayon sa gobernador, ang kasalukuyang pamamahala ng kanyang administrasyon ay nakatutok sa temang "One path, one vision, one province, one nation", na kung saan hinihingi niya ang partisipasyon ng lahat ng sector ng komunidad na makiisa upang maisulong ang sinasabing shared governance, shared responsibility na isinusulong din ng Office of Public Governance System, Institute of Solidarity in Asia na ang kabuuang tema ay "Mahal Ko Ang Pilipinas."

Maliban sa Castilla, Pto. Diaz at Sorsogon City, pinag-aaralan na rin ngayon ang posibilidad ng pagtatayo nito sa Bulan, Bulusan, Irosin, Gubat at eventually, sa iba pang mga bayan dito sa lalawigan.

Ayon pa sa gobernador, mayroon na ngayong nakahandang 17 ektaryang lupa sa syudad lamang ng Sorsogon kung saan maaari nang simulan ang pagtatayo ng mga bahay dito. Dalawang ektarya dito ay ang sa Guinlajon ibinigay na donasyon ni Mila Duana kung saan ang ground breaking ay isinagawa na.

Maliban dito, ay dalawang ektarya rin ang naging donasyon ni Baby Hababag at ang labing-isang ektarya dito ay mula sa CARES Program, kay MMDA Chair Bayani Fernando at solicitations mula sa Filipino communities abroad. Dagdag rin dito ang dalawang ektaryang lupa na mula naman sa 24 na ektaryang lupa ng city government na nakatalaga para sa urban poor program ng syudad.

Noong Sabado, sinimulan na rin ang construction ng road right of way, drainage at ang pagdedeliver ng mga graba, bato at buhangin na kakailanganin, kung saan ang mga ito ay kinuha mula sa mga material na ibinuga ng bulkang Bulusan.

Ayon naman kay Jay Meloto ng Gawad Kalinga, 1,000 houses ang allocation provincewide at isangdaan dito ang nakatakdang ipatayo sa Brgy. Guinlajon. Sinabi rin niya na isa rin sa mga gagawing feature ng GK Housing sa Sorsogon ay ang paggamit ng mga bricks mula sa munisipyo ng Casiguran. Aniya, maliban sa ito ang magiging showcase sa mga turista na bibisita sa naturang housing project, makapagbibigay rin ito ng hanapbuhay sa mga brick-makers ng Casiguran, Sorsogon.

Sa pahayag pa ni Meloto, ang kanilang programa, sa pagtutulungan ng GK at Couples for Christ, ay kasagutan sa pagbibigay ng disenteng bahay upang magkaroon ng dignidad ang bawat pamilyang Pilipino.

Samantala, malaki naman ang naging pasasalamat ni City Mayor Leovic Dioneda sa magandang pagkakataong ibinigay sa syudad ng Sorsogon at tiniyak rin niya kay Gov. Sally Lee na makaaasa itong ipagpapatuloy niya ang mga magagandang programang sinimulan nito.

Ang nasabing GK housing project ay papangalanang Christian Village. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Negros Oriental hosts int'l tax confab
»Negros Oriental chosen as pilot area for USAID program 'Fourmula One'NegOr
»Dumaguete conducts massive anti-measles vaccination campaign
»PGMA caravan goes to Masbate
»Knock-Out Tigdas 2007 starts October 15
»DTI cracks down on illegal products
»BJMP girds for barangay/SK election duties
»Navy apprehends hot lumber, flitches in Bicol
»Benguet cold-chain plant seen operational by end October
»Aklan eyes raw silk of Kapangan
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines