Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 29 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/15

Tagalog News: PCSO–PIA "Walang Kupas Roadshow" mission nagtagumpay sa Sorsogon

Sorsogon Province (15 October) -- Dinagsa ng maraming mga Sorsoganon ang isinagawang Medical at Dental Services at ang libreng konsyerto ng JC Radio Band kahapon, October 10, dito sa syudad ng Sorsogon kaugnay ng isinagawang "Walang Kupas Roadshow" ng Philippine Charity Sweepstakes at ng Philippine Information Agency.

Pormal itong sinimulan sa pamamagitan ng isang live interview sa isang lokal na istasyon ng radyo dito na sinundan ng motorcade sa palibot ng mga pangunahing lansangan ng syudad at isang breakfast presscon sa Casa Dominga.

Matatandaang una nang isinagawa ng grupo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Information Agency (PIA) ang malaking aktibidad na ito na tinaguriang "Walang Kupas Roadshow", noong Setyembre sa mga lugar ng Tuguegarao at Isabela sa region 2, Dagupan at Laoag sa region 1, Baguio sa Cordillera Autonumous Region, Olongapo at Cabanatuan sa region 3, at nitong Oktubre nga ay dito naman sa rehiyon ng Bicol kung saan natapos na nila ang Daet, Iriga, Naga, Legazpi at kahapon nga ay dito naman sa syudad ng Sorsogon.

Sa aktibidad na ito ay nagbigay ang PCSO ng free medical at dental services at entertainment sa mga mamamayan ng mga lugar na napili para sa roadshow bilang pasasalamat sa mga sumusuporta sa kanilang mga produkto.

Sa isinagawang welcome program kahapon, pinasalamatan ni City Mayor Leovic Dioneda ang PCSO at PIA sa maswerteng pagkakapili ng syudad ng Sorsogon bilang pagdarausan ng panghuli at pinakamalaking aktibidad ng "Walang Kupas Roadshow".

Aniya, malaking tulong sa mga mamamayan dito ang makatanggap ng libreng serbisyo partikular sa aspetong pangkalusugan lalo na't ilang mga kababayan din dito ang wala talagang kakayahang magpagamot.

Naging matagumpay din ang libreng band concert kagabi, kung saan nagkaroon pa ng sayawan, bata man o may edad na, habang tinutugtugan ng JC Radio Band. Marami din sa mga nanalo ang naiyak dahil sa hindi inaasahang mga premyong kanilang natanggap.

Ang JC Radio Band ay ang second quarter winner sa isinagawang band search ng PCSO ngayong taon.

Ayon kay PIA Information Center Manager Irma Guhit, sa pamamagitan ng naturang promotion campaign, mas nabigyan ng impormasyon ang publiko ukol sa simbayotikong relasyon sa pagitan ng serbisyong ginagampanan at koleksyon ng PCSO.

Maliban sa serbisyong medical at dental, nagbigay din ng libreng gamot sa mga benepisyaryo at ipakikilala rin ang mga produkto ng PCSO na siyang sumusuporta sa iba't-ibang mga serbisyo nito.

Nasa dalawang libo ang naserbisyuhan ng dental at medical mission ng PCSO at PIA medical team katuwang ng City Health Team na natukoy sa tulungan ng mga opisyal ng barangay, City Social Welfare and Development Office at Barangay Health Workers mula sa iba't-ibang mga barangay sa syudad ng Sorsogon.

Ang DILG at ang League of Barangays ang siyang namahala sa pag-organisa at mobilisasyon ng mga taong sangkot, ang City Engineering Department sa mga gamit na kinailangan tulad ng mga upuan at mesa, pati na rin ang venue ng nasabing aktibidad, habang naging full blast naman ang PNP sa pamamahala sa seguridad. Ang "Walang Kupas Roadshow" ay may temang "UNITY IN CHARITY." (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Negros Oriental hosts int'l tax confab
»Negros Oriental chosen as pilot area for USAID program 'Fourmula One'NegOr
»Dumaguete conducts massive anti-measles vaccination campaign
»PGMA caravan goes to Masbate
»Knock-Out Tigdas 2007 starts October 15
»DTI cracks down on illegal products
»BJMP girds for barangay/SK election duties
»Navy apprehends hot lumber, flitches in Bicol
»Benguet cold-chain plant seen operational by end October
»Aklan eyes raw silk of Kapangan
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines