Tagalog News: PGMA tiniyak na maipaabot ang economic gains sa mamamayan
by Andrew Hornales
Manila (15 October) -- Sa kanyang pagbisita sa Bohol kamakailan, tiniyak ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na maipaaabot sa mamamayan ang mga magagandang tinatamasa ng bansa upang matugunan ang mga social at economic needs ng mga Pilipino at makamit ang pangmatagalang kapayapaan, seguridad, at katatagan sa ekonomiya.
Binigyang diin din ng Pangulo ang pagkupkop ng Bohol sa komprehensibong anti-poverty strategy kung saan naging malaking tulong sa pagsugpo ng karahasan sa nasabing lalawigan.
Aniya, ipinapakita ng Bohol kung papaano makamit ang kapayapaan na hindi gumagamit ng baril. Bagkus, nagsisimula sa pagkakaroon ng trabaho, sapat na pagkain at dignidad ng bawat pamilyang Pilipino.
Upang maitaas ang competitiveness ng bansa, hinihikayat ng Pangulo ang pamumuhunan sa de-kalidad na edukasyon, pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan at training, pagpapatupad ng mga infrastructure projects, at ang pagpapaigting sa mga programang isinusulong ng pamahalaan na tutulong naman upang maabot ang 1st world status sa loob ng dalawang (2) dekada. (PIA 12) [top]