Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 29 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/16

Tagalog News: Nahuling hitmen ng NPA Sparrow Unit iprinisinta sa media

Bulusan, Sorsogon (16 October) -- Dalawang pinaghihinalaang miyembro ng NPA SPARU (Special Partisan Unit) ang nahuli ng mga tauhan ng Bulusan Municipal Police Office, sa pangunguna ni PSInsp.Buenaventura S. Beltran, kahapon, Oktubre 14, sa Brgy Looban, Bulusan, Sorsogon.

Sa isinagawang Press Conference kahapon ng umaga, kinilala ni PNP Sorsogon Provincial Police Office Deputy Provincial Director Supt. Rodegelio B. Gerero ang mga suspetsado na sina Christopher Espano y Esperante, 23, residente ng barangay La Union, bayan ng Gubat, at Jason Galoso aka Jerry/Gerry, 18, residente ng barangay Sta. Barbara, Bulusan.

"Kasalukuyang nagsasagawa ng routinary mobile patrol ang mga tauhan ng Bulusan Municipal Police Office kaugnay ng kanilang paghahanda sa paglalagay ng mga check point alinsunod sa pagpapatupad ng COMELEC gun ban nang mamataan nila ang mga suspetsado na kahinahinala ang mga kilos," paglalahad ni Gerero.

"Nang akmang lalapitan na ng mga pulis ang mga suspetado, biglang nagpaputok ang huli at na nagresulta sa pakikipagpalitan ng putok ng mga awtoridad," dagdag pa niya.

Isa sa mga kasamahan ng suspetsado na kinilala namang Ka Albert ang nakatakas sa gitna ng barilan.

Maliban sa dalawang suspetsadong rebelde, iprinisinta din ni PSupt. Edgardo L. Ardales kasabay ng Press Conference ang mga narekober na dalawang (2) 45 caliber pistol na USA Federal (may selyong 507013 at modelong 1911 A1) at Colt 45 MARK IV (may selyong 13135), isang (1) granada, mga magazine at bala ng mga nabaggit na baril.

Sa isinagawang tactical interrogation, ayon kay Ardales, napag-alamang ang mga nahuling rebelde ay kabilang sa Celso Minguez Command na pinamumunuan ng isang Ka Roseville at may planong likidahin ang ilang tauhan ng Bulusan Municipal Police Office.

Matatandaang noong nakaraang Oktubre 6 lamang, isang tauhan ng Philippine Army ang itinumba ng isang grupo ng NPA SPARU sa bayan ng Casiguran.

Sa ngayon ay inihanda na ng mga kinauukulan ang mga kasong isasampa sa mga suspetsado, kabilang na ang illegal possession of firearms at paglabag sa COMELEC gun ban. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»OFWs: Champions of RP economy
»DAR implements P2.7B worth of projects
»Land Bank forges agreement with Saudi Bank
»PAG-IBIG discounted rates program till October's end
»Career Gateways jobs fair to hit Davao, Gensan
»1,800 patients served in Benedenti free dental clinics
»Comval sets sights on Children's Code
»DavNor, Comval press converge for State-of-Media Forum
»Mayor pushes more infra projects for Kapalong
»Daneco faces Kapalong SB on electric power concern
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines