Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 29 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/16

Tagalog News: 43 pamilya nagsilikas dahil sa malakas na ulan at banta ng pagragasa ng lahar

Sorsogon Province (16 October) -- Nasa 158 katao na ang bilang ng mga inilikas mula sa 43 pamilya ng Brgy. Cogon sa munisipyo ng Irosin dahil sa malakas na pag-uulan simula pa noong Sabado. Ito ang ipinahayag ni Irosin Municipal Engineer Benjamin Gabionsa.

Ayon sa kanya, ang malakas na pag-uulan na ito ay nagdadala rin ng banta ng panganib dala ng pagragasa ng mga nakadepositong lahar at malalaking bato.

Ang mga residente ay kasalukuyan ngayong nasa munisipyo ng Irosin kung saan ito ang pansamantalang ginawang evacuation center ng nasabing mga residente.

Kasama si Bulusan MPDO Albino Espano ay nag-organisa sila kahapon ng isang grupo na binuo ng barangay officials, concerned citizens at kinatawan ng mga kabataan upang bisitahin ang Purok Iraya ng San Roque sa nasabing munisipyo kung saan kitang-kita ang isang gully mula sa bunganga ng bulkan na may mga nakadepositong malalaking bato at putik na anumang oras ay maaaring rumagasa.

Ayon pa kay Albino sa isang text message nito, napakataas, aniya, ngayon ng vulnerability assessment nila sa Sitio Iraya ng Brgy. San Roque na nasa paaanan lamang ng bulkang Bulusan.

Sa kasalukuyan ay naroroon si Gov. Sally Lee kasama ang PDCC, Phil. Army, DPWH District I & 2 at iba pang mga ahensya na makatutulong upang mabigyan ng agarang aksyon ang kinakaharap na sitwasyon ng mga residente sa apektadong mga lugar.

Maliban sa Brgy. Cogon, kabilang rin sa mga apektadong lugar ng mudflow ay ang Brgy. Patag at Brgy. Mombon kung saan nagkaroon na ng overflow ang natural swimming pool ng Mateo Hot and Spring Resort, mga palayan at apektado na rin ang mga residente ng BLISS Homes dito.

Pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan ng Sorsogon ang posibilidad kung ililikas na rin ang ibang mga residente ng BLISS Homes.

Samantala, ayon naman kay 2nd District Engineer Edgar Corativo, nakahanda anumang oras ang kanilang mga heavy equipment at tauhan sakaling sumabog uli ang bulkang Bulusan o di kaya'y magkaroon na ng pagragasa ng malalaking deposito ng bato at putik mula sa nasabing bulkan. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»OFWs: Champions of RP economy
»DAR implements P2.7B worth of projects
»Land Bank forges agreement with Saudi Bank
»PAG-IBIG discounted rates program till October's end
»Career Gateways jobs fair to hit Davao, Gensan
»1,800 patients served in Benedenti free dental clinics
»Comval sets sights on Children's Code
»DavNor, Comval press converge for State-of-Media Forum
»Mayor pushes more infra projects for Kapalong
»Daneco faces Kapalong SB on electric power concern
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines