Tagalog News: Agri-support projects pasisinayaan ni PGMA sa Sarangani
by AC Agad
General Santos City (18 October) -- Mahigit PhP10 milyong halaga ng mga proyektong pang-agrikultura ang pormal na ipamahagi ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga piling local government units ng lalawigan ng Sarangani sa kanyang pagbisita sa lalawigan bilang bahagi sa 7th Regional Cooperative Summit.
Dalawang farm-to-market roads (FMR) sa ilalaim ng Support to Emergency Livelihood Assistance Program (SELAP) ng Department of Agriculture ang pasisinayaan ng Pangulong Arroyo. Ito ay ang Tahayako –Datal Basak FMR sa bayan ng Maasim na nagkakahalaga ng mahigit PhP7 milyon at ang Sufatubo-Baliton FMR sa bayan ng Glan na pinondohan ng PhP3.3 million.
Ang mga nasabing proyekto ay malaking tulong sa mga magsasaka ng mga potential agricultural production areas lalo na sa pagdadala ng kanilang mga produkto sa mga trading center sa maikling travel time at transportation cost.
Ayon sa Department of Agriculture ang mga proyekto sa ilalim ng SELAP ay isa sa mga landmark initiative ng Arroyo Administration kaugnay sa Peace and Development efforts nito para asa Mindanao. (PIA 12) [top]