Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 29 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/19

Tagalog News: Unang araw ng kampanya sa barangay at SK elections nagsimula na ngayong araw

Sorsogon Province (19 October) -- Sinimulan na kaninang alas-dose uno ng hatinggabi ang unang araw ng kampanya para sa mga kakandidato sadarating na halalang pambarangay ngayong Oct 29.

Kagabing alas-dose ng hatinggabi rin ay pormal na nagsara ang pagsusumite ng certificate of candidacy para sa mga kakandidato sa posisyong pagkakapitan, barangay kagawad at Sangguniang Kabataan.

Sa inisyal na pahayag ni Atty. Emmanuel Ayo, City Elections Supervisor, sinabi nitong nasa halos ay 200 na aspirante sa pagkaopisyal sa barangay ang nagsumite ng kanilang COC habang nasa halos ay 300 naman sa Sangguniang Kabataan dito sa syudad ng Sorsogon.

"Maaaring sa susunod na linggo ay opisyal nang maidedeklara kung ilan nga ang kabuuang bilang ng mga kakandidato sa halalang pambarangay," pahayag pa ni Ayo.

Kaninang alas-sais ng umaga, ay nagkaroon ng isang banal na misa sa El Retiro sa Brgy. Cabid-an upang hingin ang isang mahinahon at matiwasay na panahon ng kampanya at araw ng eleksyon.

Sa kasalukuyan ay isinasagawa na rin sa Basia Auditorium sa distrito ng Bacon ang isang briefing para sa lahat ng mga kakandidato upang talakayin at maipaliwanag sa kanila ang mga dapat at hindi dapat gawin sa panahon ng kampanya at sa araw ng eleksyon.

Ayon pa kay Ayo, kinakailangang maintindihan ng bawat kakandidato ang kani-kanilang mga limitasyon upang maiwasan ang mga kaguluhan at di-pagkakaintindihan lalo na't patuloy na tumataas ang bilang ng mga gustong magsilbi sa bayan.

Ang tatlong distrito ng syudad ng Sorsogon ay binubuo ng animnapu't-apat na mga barangay at mayroon itong mahigit sa walumpung libong mga botante.

Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1403, ang Oct. 29 ay deklaradong special non-working holiday bilang pagbibigay-daan sa mga botante na makalahok sa Sangguniang Kabataan at Barangay Elections. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»5-day Belgian medical mission visits Davao
»Two big mineral reserves found in Mindanao
»Shortage of mining engineers feared in Mindanao
»Quality management system in government pushed
»Davao Oriental proposes uniform for food servers, model CR for food establishments
»"Padday Na Lima" trade fair opens in Alabang
»Dumaguete trains kids on children's rights
»PGMA to open iTAX confab on October 29
»Bata, other billiard greats to play in int'l billiard tourney in Dumaguete
»NFA Dumaguete ups palay buying price
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines