Tagalog News: Pagpapa-unlad sa biofuels industry ng Pilipinas itinutulak
Manila (22 October) -- Inihayag ni Department of Agriculture Secretary Arthur Yap na sa pamamagitan ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng PRAJ Industries ng bansang India at ng Pamahalaan lalong maitaguyod ang pagpapa-unlad sa biofuels industry ng Pilipinas.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan, ang Kagawaran ng Agrikultura ay makikipag-ugnayan sa PRAJ Industries para sa pagpapalawak at pagsasa-ayos ng mga biofuel production plants lalo na sa pagtukoy ng variety ng sweet sorghum at jatropha para sa cultivation trials.
Kaugnay nito, hinihikayat ng Kagawaran ng Agrikultura ang mga magsasaka sa pagtanim ng sweet sorghum, tubo, cassava o jatropha para sa produksiyon ng malinis na alternatibong enerhiya na maghihikayat ng maraming mamumuhunan lalo na sa commercial scale feedstock production at sa pagpapatayo ng bio-diesel at bio-ethanol plants.
Inaasahan na sa susunod na taon magsisimula ng mag-produce ng bioethanol fuels ang PRAJ Industries sa Ormoc City. (Abb/PIA 12) [top]