Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 29 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/23

Tagalog News: Pahayag: Financial Literacy Campaign, pag-iibayuhin pa para sa OFWs

by Cabinet Secretary Ricardo Saludo, Malacanang, Manila, October 23

Nanawagan ang pamahalaan sa iba't-ibang sangay ng ahensiya na pag-ibayuhin at palawakin ang programang Financial Literacy Campaign (FLC) sa pulong na ginanap sa Malacanang kaninang umaga.

Sa National Economic and Development Authority-Cabinet meeting sa Palasyo, iginiit ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na malaki ang naitutulong ng programa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa laganap na suliranin ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa paglakas ng piso laban sa dolyar.

Layunin ng FLC na palawakin ang kaalaman ng mga OFWs at kanilang pamilya ukol sa financial education. Nais din ng FLC na itaguyod ang pag-iimpok at pamumuhunan sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga OFWs ng iba't-ibang gamit ng remittances.

Ayon kay BSP Officer-in-Charge Nestor A. Espenilla, kasalukuyang ipina-package ang FLC sa CD-ROM para maipamahagi sa OFWs sa ibayong dagat sa pamamagitan ng Labor Attaches o Philippine Overseas Labor Offices. Kaugnay nito, nakiusap si Pangulong Arroyo na ipakita ang CD ng FLC sa Cabinet meeting bago ito ipamahagi.

Ipinahayag din ni Pangulong Arroyo na mas makakabuting isama rin dito sa lalong madaling panahon ang pagsasama ng FLC sa pre-departure orientation seminars (PDOS) na isinasagawa ng Philippine Overseas Employment Adminisitration (POEA).

Sa kasalukuyan, umabot na sa 14 na FLCs ang isinagawa ng BSP at OWWA sa bansa mula noong Pebrero 2006 hanggang Setyembre 2007. Kaalinsabay nito, nanawagan si Pangulong Arroyo na isama sa naturang kampanya ang top 13 origins ng OFWs sa bansa tulad ng La Union, Isabela, Pangasinan, Samar, Aklan, Iloilo, Capiz, Butuan, Leyte, North at South Cotabato, Zamboanga, Maguindanao. Tanging ang Maguindanao lamang ang kasama sa tinatawag na "10 poorest provinces in the Philippines."

Ayon naman kay Department of Labor and Employment Acting Secretary and OWWA Administrator Marianito D. Roque, maaari ring magsagawa ng 'roadshows' sa mga estratihiyang lugar kung saan mataas ang bilang ng OFWs tulad ng Saudi Arabia at Hong Kong.

Idinagdag pa niya na nararapat din sa FLC ang suporta ng local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs) at ng iba pang sektor para humikayat ng lalahok sa FLC seminars. Kasama rin dito ang pagsasagawa ng trainings for trainors (TOTs) upang maiparating ang idelohiya at layunin ng naturang kampanya.

Sinabi rin ng Pangulo na lalong mas mapapabuti ang programa kung magkakaroon din ng resource speakers na magtuturo ng agri-business, microfinance, at mga kooperatiba. Kasama rin dito ang pag-iimbita ng OFWs na makapagbibigay ng testimonya ukol sa tagumpay ng FLCs sa kanilang buhay. (OPS) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»OFW remittances contribute to peso's appreciation BSP
»Biz players espouse consolidation
»Best practices, success stories among BIMP-EAGA's untold secrets
»ASEAN plays key support role in BIMP-EAGA
»BIMP iCon tackles EAGA's new direction
»54IB returns from retraining in NCR
»Anti-poverty group meets to reduce poverty incidence in Region 8
»Cebuano News: PNOC-EDC biddings naghashas sa 14 ka mga kompaniya
»Cebuano News: P80 bilyones mga kabtangan sa gobierno ibaligya
»Commentary: National unity vital in RP crusade vs terrorism
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines