Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 29 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/24

Komentaryo: Ang pagsulong ng bansa ay dapat ipagpatuloy nang walang takot sa terorismo

Ni Nene A. Manzanares

Catarman, Northern Samar (24 Oktubre) -- Ang nangyaring pagsabog at kaguluhan sa Glorietta ay naghatid ng takot at pangamba sa marami hindi lang sa Maynila kundi pati na rin sa ibat-ibang sulok ng ating kapuluan na inaabot ng pahayagan at telebisyon.

Pero hindi nagpapabaya ang pamahalaan.

Kahapon, nagkaroon ng pagpupulong ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kasama sina Vice-President Noli de Castro, dating Pangulong Fidel V. Ramos at Speaker Jose de Venecia. Kasama sa pagpupulong na ito ay si Senate Majority Leader Pangilinan na kumatawan kay Senate President Villar na wala sa Maynila kahapon. Nanduon din sa pagpupulong na ito ang National Security Cabinet Group.

Sa panguna ng Pangulong Arroyo nirepaso nila ang kampanya kontra terorismo at mga programang panseguridad. Kasama sa kanilang ginawang mga plano ay ang pagtibayin ang mga pagkilos para sa kaligtasan ng bayan.

Sinabi ng Pangulo na sa mga dapat gawin ay kabilang na ang " pagpapalakas ng Kapulisan at Santadahang Lakas, pagsusulong ng kapayapaan at pagkakasundo sa mga rebelde, pagtutulungan ng mamamayan, sundalo, pulis at pamahalaan, at pagpapatibay ng ating balikatan sa mga kaalyadong bansa."

Napag-alaman din nagkaroon kahapon ng pagpupulong ang Anti-Poverty at Economic and Development Cabinet group upang pabilisin ang programa para sa pagsasaka ng dalawang milyong bagong ektarya upang lumikha ng dalawang milyong bagong trabaho sa sakahan.

Nagkaroon din ng pag-uulat ang Kagawaran ng Paggawa tungkol sa tulong natin sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa panahon ng pagtaas ng piso, kasama ang mga Bangko Sentral investment incentives at mga programa para sa mga overseas Filipino remittances na gagawing investment sa mga capital enterprises.

Inaatasan din ng Pangulo ang Gabinete na ireport tuwina ang mga ginagawa sa seguridad at karapatang tao, paglaban sa kahirapan, at pagsulong ng ekonomiya at kanayunan.

Ang lahat nang ito ay pagpapatunay lamang na hindi puedeng takutin ang administrasyong Arroyo upang ipagpatuloy ang naumpisahan nang mga programa at mekanismo tungo sa pag-unlad ng bansa.

Ang mga karahasan na galing sa mga taong walang budhi at puso para sa mga mahihirap nating mga kababayan ay dapat magmunimuni na walang kahihinatnan ang kanilang mga ginagawa dahil ang sambayanang Filipino ay namumulat na sa katotohanan na ang pag-unlad ng bayan ay hindi bunga ng karahasan kundi sa tunay na pagsisikap ng bawat Filipino.

Sabi nga ng Pangulong Arroyo, "Akala ng mga kaaway ng bayan na madali tayong susuko sa mga pwersa ng takot, gulo at hidwaan. Nagkakamali sila. Sama-sama nating itataguyod ang kaunlaran, kapayapaan at katatagan ng bayan, at mas magandang buhay para sa bawat Pilipino. Sumusulong na ang Pilipinas, huwag nating payagang pigilin tayo." (PIA Northern Samar) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: Zambo OTOP supports best
»Ferry passengers have an option with new Benit RORO
»Balik Naval International 2007 medical mission serves 3,000 patients
»Cebuano News: Padayon ang pagtubo sa export pang-agrikultura sa Pilipinas
»Cebuano News: Mga kandidato giawhag nga mosunod sa balaud nga gilatid sa Comelec
»Commentary: Unity of all sectors imperative for nation's peace, emancipation from poverty
»Cebuano News: DTI-Biliran nagpahigayon ug consumer group orientation
»Cebuano News: DENR naglunsad sa kampanyang "Bantay Ibon" aron paglikay sa bird flu
»Cebuano News: Comelec mokuha ug non-teachers nga mosilbi isip board of election tellers
»NSO requires marriage solemnizing officers to attend seminar
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines