Tagalog News: Phil-Am Chamber ipinaabot ang suporta sa Pilipinas
Manila (24 October) -- Ipinaabot ng Philippine-American Chamber of Commerce isa sa pinakamatagal ng bilateral business organizations sa United States ang kanilang suporta at tiwala sa Pilipinas sa kabila ng hinaharap ngayon ng bansa bunsod ng naganap na pagbobomba sa Glorietta Mall sa Makati City.
Sa pahayag nina Butch Meily at Richard Rosenberg, Pangulo at Chairman ng Phil-Am Chamber, nanawagan ang mga ito sa mga Pilipino ay American businessman na ipagpatuloy ang pamumuhunan sa Pilipinas.
Naniniwala umano sina Meily at Rosenberg sa magandang kinabukasan ng Pilipinas, sa matatag nitong ekonomiya at higit sa lahat sa kakayahan at kasipagan ng mga mamamayang Pilipino kung kaya't hindi umano nabawasan ang kanilang suporta para sa bansa. (Lgtomas/PIA 12) [top]