Tagalog News: PGMA ipinagkatiwala ang imbestigasyon ng "payoff" issue sa Ombudsman
Manila (24 October) -- Ipinag-utos ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) na ipagkatiwala sa tanggapan ng Ombudsman ang imbestigasyon ng umanoy "payoff" o pamumudmod ng pera sa Malakanyang.
Ito'y matapos na inihayag ng Ombudsman ang sariling imbestigasyon sa nasabing insidente. Matatandaan kamakailan na inatasan ng Pangulo si PAGC Chair Connie de Guzman na magsagawa rin ng imbestigasyon sa umanoy isyu ng payoff sa mga matataas na opisyal.
Ang desisyon ng Pangulo sa pagpahintulot sa tanggapan ng Ombudsman sa pag-imbestiga sa insidente ay base na rin sa posibilidad na ang pagsisikap ng PAGC ay mabalewala, sapagkat, walang umano itong karapatan o hindi sakop ng PAGC ang anumang kasong kinasasangkutan ng mga elected officials tulad ng congressmen at mga local government executives.
Kasabay ng hakbang na ito, siniseguro naman ng Ombudsman ang isang malalimang pagsisiyasat upang matukoy sa lalong madaling ang ugat at kung sino ang pasimuno sa nasabing pagbibigay ng pera sa ilang mga opisyal. (ajph/PIA 12) [top]