Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 29 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/24

Tagalog News: P200-M megadike nakatakdang ipatayo sa Irosin

Sorsogon Province (24 October) -- Isang megadike na nagkakahalaga ng P200 milyong piso ang pinaplanong ipatayo sa bayan ng Irosin sa pamamagitan ni 2nd District Congressman Joey Solis dahilan sa mga panganib na patuloy na nakaamba sa mga residente ng Brgy. Cogon, Mombon, Patag at Mapaso sa naturang bayan.

Sa isinagawang press conference ng nasabing kongresista noong nakaraang Biyernes, inihayag nito ang kanyang kagustuhang maitayo ang isang megadike sa Irosin upang mailihis ang agos ng lahar kasama ng malalaking bato na dumadaloy sa mga gully mula sa bunganga ng Mt. Bulusan kung saan apektado nito ang apat na mga barangay partikular ang Brgy. Cogon at Mombon.

Matatandaang umabot sa mahigit 700 na mga residente ang inilikas sa Gallanosa National High School mula saBrgy. Cogon, Mombon, Patag at Mapaso dahilan sa patuloy na pag-uulan nitong nakaraang lingo na nagdala sa nasabing mga residente sa malaking panganib dala ng pagragasa ng mga nakadepositong putik at malalaking bato mula sa Bulkang Bulusan.

Ayon kay Congressman Solis, ang ganitong sitwasyon ay dala ng natural na kalamidad kung kaya't hindi kontrolado ng sinumang tao ang panganib na kinakaharap at kakaharapin pa ng mga residente. Subali't aniya, maaaring maiwasan ang malaking pagkasira ng mga kabuhayan at pagbubuwis ng buhay kung magiging maagap ang bawat isa at mapaghandaan ang panganib na maaaring ibunga ng mga kalamidad.

Aniya, sa pamamagitan ng megadike maililihis ang daloy ng lahar papunta doon sa mga lugar na walang maaapektuhang mga residente at kabuhayan. Sinabi rin nitong ayaw niyang maulit ang kahalintulad na pangyayari sa lalawigan ng Albay kung saan maraming kabuhayan ang nasira at buhay na nabuwis.

Ayon pa sa kanya, walang nakakatiyak kung kailan darating ang panganib kung kaya't kinakailangang maihanda na sa lalong madaling panahon ang paglilipat ng permanente sa mga residenteng apektado subalit kinakailangan aniyang matiyak na ligtas nga ang lugar na paglilipatan sa nasabing mga residente.

Matatandaang nitong taon lamang ay nagkaloob ng P1-M si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pamamagitan ng pamahalaang lokal ng lalawigan upang ipambili ng lote ng pamahalaan ng Irosin na gagamitin sa relokasyon ng mga pamilyang higit na maapektuhan ng pagragasa ng lahar at mga volcanic debris mula sa Mt. Bulusan.

Nasa 3.7 ektaryang lupa ang mabibili ng halagang ipinagkaloob ng Pangulo at aabot sa dalawang daan at dalawampu't tatlong (223) pamilya mula sa Barangay Cogon ang permanenteng maililipat kung saan bibigyan na rin sila ng mga bahay na magiging pag-aari na nila.

Samantala, noong nakaraang Sabado ay ipinatawag ni Governor Sally A. Lee sa isang pagpupulong ang Provincial at Municipal Disaster Coordinating Council upang i-review at ire-evaluate ang action plan ng probinsya sa panahong mayroong mga emergercies na katulad ng kinahaharap ngayon ng bayan ng Irosin. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: Zambo OTOP supports best
»Ferry passengers have an option with new Benit RORO
»Balik Naval International 2007 medical mission serves 3,000 patients
»Cebuano News: Padayon ang pagtubo sa export pang-agrikultura sa Pilipinas
»Cebuano News: Mga kandidato giawhag nga mosunod sa balaud nga gilatid sa Comelec
»Commentary: Unity of all sectors imperative for nation's peace, emancipation from poverty
»Cebuano News: DTI-Biliran nagpahigayon ug consumer group orientation
»Cebuano News: DENR naglunsad sa kampanyang "Bantay Ibon" aron paglikay sa bird flu
»Cebuano News: Comelec mokuha ug non-teachers nga mosilbi isip board of election tellers
»NSO requires marriage solemnizing officers to attend seminar
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines