Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 29 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/24

Tagalog News: 2 araw na jobs fair nakatakda sa Sorsogon

Sorsogon Province (24 October) -- Nakatakdang dumating bukas ang ilan sa malalaking kumpanya at ahensya sa bansa dito sa lalawigan ng Sorsogon kaugnay ng dalawang araw na Jobs Fair para sa mga naglalayong makakuha ng trabaho dito mismo sa kabikulan at maging sa labas ng bansa.

Ang naturang Jobs Fair na gagawin bukas, Oktubre 24 hanggang Oktubre 25 mula alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon sa kapitolyo ay bahagi ng selebrasyon ng Kasanggayahan Festival sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng probinsya ng Sorsogon sa pamamagitan ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) at ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan naman ng Public Employment Services Office (PESO).

Darating sa Jobs Fair ang Liberty Commercial Center (LCC) at ang Metro Gaisano Group of Companies na nangakong tatanggap ng mga empleyado; tatlong malalaking telecommunications firm na kinabibilangan ng Telecom, Inc., BayanTel at MBStek na naghahanap din ng mga empleyado sa marketing department nito at mga call service agents; darating din ang ALCARE Manpower Services Corporation, EEI Corp at ang Triple C Employment Services na tatanggap naman ng mga domestic helpers at skilled workers papalabas ng bansa.

Dalawang manufacturer ng mga bahagi ng computer sa CALABARZON area ang lalahok din sa Jobs Market at ito ay ang Hitachi Corporation at Epson. Ang SCAD services ay naghahanap naman ng mga factory workers. Kabilang din sa mga lalahok ay ang Subic Shipyard na nangangailangan naman ng mga welders para sa kanilang planta sa Subic, Zambales.

Ayon kay Lorna Hayag, PHRMO Chief at pangulo ng Regional Federation of PES Officers, 256 na mga Sorsoganon ang natulungan na ng Provincial Government at ng DOLE dahilan sa sunud-sunod na jobs fair at special recruitment activity na kanilang isinagawa.

Sinabi pa ni Hayag na ang hakbang na ito ay naaayon sa direktiba ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na pagtulungan ng lahat ng mga sangkot na ahensya ng pamahalaan na magkaroon ng pag-unlad sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga mamamayan ng mga programang pangkabuhayan. Nagkataong isa rin ang livelihood generation sa mga programang ipinatutupad ng pamahalaang lokal ng probinsya sa ilalim ng rural development ng administrasyon ni Gov. Sally A. Lee.

Umaasa naman ang mga Sorsoganon na ang hakbang na ito ng pamahalaang lokal ay patuloy na magdadala ng kaginhawaan sa mga maliliit na mamamayan ng lalawigan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: Zambo OTOP supports best
»Ferry passengers have an option with new Benit RORO
»Balik Naval International 2007 medical mission serves 3,000 patients
»Cebuano News: Padayon ang pagtubo sa export pang-agrikultura sa Pilipinas
»Cebuano News: Mga kandidato giawhag nga mosunod sa balaud nga gilatid sa Comelec
»Commentary: Unity of all sectors imperative for nation's peace, emancipation from poverty
»Cebuano News: DTI-Biliran nagpahigayon ug consumer group orientation
»Cebuano News: DENR naglunsad sa kampanyang "Bantay Ibon" aron paglikay sa bird flu
»Cebuano News: Comelec mokuha ug non-teachers nga mosilbi isip board of election tellers
»NSO requires marriage solemnizing officers to attend seminar
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines