Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 29 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/24

Tagalog News: GSIS Sorsogon 33rd anniversary ipinagdiwang

Sorsogon Province (24 October) -- Kasabay ng paggunita ng pagbabalik ni General McArthur sa Pilipinas ay ang pagdiriwang naman ng 33rd Anniversary ng Government Services Insurance System (GSIS) Sorsogon Field Office (FOD) na isinagawa noong nakaraang Sabado, October 20.

Ang pagdiriwang ay nakatuon sa temang "SORG: I shall return," na kung saan ayon kay GSIS Sorsogon FOD Fontline Division Chief Leon Ma. Fajardo ay isang makabuluhan at napapanahong tema lalo na't ang okasyon ay isa ring pasasalamat sa Mc Arthur-type return ng kanilang FOD Manager na si Mr. Leonardo Lambonao, kung saan ito ay armado ng acronym na SORG na may kahulugang "Sacrifice, Obedience at Respect for God" at hindi ng sword o espada.

Matatandaang si Lambonao ay unang nadestino sa lalawigan ng Sorsogon na may satellite branch sa probinsya ng Masbate noong taong 2005 at inilipat sa Legazpi Branch noong July 2007, subalit ibinalik din agad dito sa Sorsogon FOD makalipas ang dalawang buwan lamang ng paninilbihan doon.

Kabilang sa mga nagpahayag ng buong suporta ay ang mga GSIS top brass executives na kinabibilangan nina GSIS Field Operations Group, Luzon Area Vice President Zenaida Ferrer, GSIS Vice President Social Insurance Group Robert Agustin, GSIS Corporate Auditor Atty. Antonio Magsanay, Jr at Ms. Belen Bautista ng GSIS Public Affairs Office. Kasama din sa mga nakiisa sa pagdiriwang at nagpaabot ng suporta ay ang Luzon area managers ng Albay, Naga, Batangas at Quezon City.

Sa pahayag ni Vice President Zenaida Ferrer, ipinaabot nito ang kanyang pagbati at sinabi nitong isa ang GSIS FOD sa iilan lamang na mga FODs sa buong bansa na may maraming nagawa at naiambag para sa kapakanan ng kanilang mga miyembro.

Subalit, magkagayon man, hinikayat pa rin ni Ferrer ang pamunuan ng Sorsogon FOD na patuloy na maging instrumento ng tunay na paglilingkod at biyaya sa bawat kasapi ng GSIS.

Ayon kay Lambonao, ang tagumpay ng pamamahala at operasyon ng Sorsogon FOD ay nakabase sa ipinatutupad niyang "Principle of Management by Lordism" kung saan ang pamamaraan ng pamamahala at pagbibigay ng serbisyo publiko ay inilalaan para sa kaluwalhatian ng Panginoon.

Ayon pa kay Lambonao, bahagi rin ng sistemang ipinatutupad sa ngayon ng Sorsogon FOD ang Aksyon, Solusyon at Inisyatibo (ASIn) at ang Loyalty, Empowerment at Guts (LEG) upang mapagtibay pa ang SORG o Sacrifice para sa kapakanan ng mga miyembro ng GSIS, Obedience sa kalooban ng Maykapal at Respect for God upang maibigay ang tunay na serbisyo publiko.

Samantala, ilan sa mga programang nakatakdang ipatupad sa ilalim ng pamamahala ni Lambonao ay ang paglalagay ng pensioner's lane, express lane para sa mga miyembrong may kapansanan, paglalagay ng mga updated fire extinguishers upang masiguro ang kaligtasan ng mga empleyado, kliyente at ng mga kagamitan ng opisina, pagkakaroon ng service motorcycle na makatutulong upang mapadali ang e-card enrolment sapagkat mas madaling mapapasok ng GSIS ang mga lugar na liblib at di kayang pasukin ng mga four-wheeled vehicles at ang relocation ng tanggapan ng FOD manager sa ground floor upang higit na magkaroon ng easy access at inter-action sa pagitan ng pamunuan at mga miyembro ng GSIS.

Patuloy din, aniya, ang isinasagawang pre-retirement seminar tuwing Biyernes upang matiyak na naiintindihan ng mga magreretiro ang mga benepisyong kanilang matatanggap at ang mga hakbang na dapat gawin bago pa man sila magretiro upang maiwasan ang mga suliraning maaaring kaharapin.

Sa darating na linggo ay nakatakdang isagawa ang Liason Officers Forum na lalahukan ng mga Liason at Personnel Officers ng mga member-offices sa probinsya ng Sorsogon at Masbate. Layunin ng pagtitipong ito na mabigyang kaalaman ang nasabing mga kalahok ng mga natatanging impormasyon upang higit na mapadali ang pakikipag-ugnayan ng mga kasaping-opisina sa tanggapan ng GSIS. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: Zambo OTOP supports best
»Ferry passengers have an option with new Benit RORO
»Balik Naval International 2007 medical mission serves 3,000 patients
»Cebuano News: Padayon ang pagtubo sa export pang-agrikultura sa Pilipinas
»Cebuano News: Mga kandidato giawhag nga mosunod sa balaud nga gilatid sa Comelec
»Commentary: Unity of all sectors imperative for nation's peace, emancipation from poverty
»Cebuano News: DTI-Biliran nagpahigayon ug consumer group orientation
»Cebuano News: DENR naglunsad sa kampanyang "Bantay Ibon" aron paglikay sa bird flu
»Cebuano News: Comelec mokuha ug non-teachers nga mosilbi isip board of election tellers
»NSO requires marriage solemnizing officers to attend seminar
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines