Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 29 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/25

Tagalog News: Lapus itinalaga sa UNESCO Board

Pasig City (25 October) -- Nahalal si Kalihim Jesli A. Lapus ng Edukasyon bilang kasapi ng board ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) habang ginaganap ang pang 34 na Pangkalahatang Pagpupulong sa Paris, France. Manunugkulan ang Pilipinas ng apat na taon.

Sa nangyaring mahigpit na pangangampanya, nagtalumpati si kalihim Alberto C. Romulo ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas at puno ng misyun sa U.N. plenary session na kinabibilangan ng 193 kasaping bansa. Ito ang pinakamalaking grupo ng mga bansa sa kasalukuyan.

And kandidatura ni kalihim Lapus ay lalong pinalakas ng kanyang malawak na karanasan sa audit at financial management. Kinikilala ng UNESCO ang pangangailangan sa kagalingan ni Lapus upang magamit sa mga pagbabago sa paghihigpit tungkol sa pananalapi.

"Ang pag-upo ng Pilipinas sa UNESCO Board ay isang pagkakataon upang pangunahan natin ang pagbalangkas ng mga patakaran sa edukasyon, agham at kultura at nang makamtan natin ang patuloy na paglago ng ekonomiya" pahayag na Lapus.

"Tayo'y nasa pinakamagandang posisyon upang iusad ang programa ng Pilipinas na magpapaigting sa mga tulong galing sa ibat-ibang bansa. Aalisin din nito ang malaking pagkakaiba ng mga pinaniniwalaan at mga actual ng nangyayari upang mailagay ang edukasyon sa gitna ng mga bagay-bagay" wika ni Lapus.

Kasalukuyang tinatapos ng UNESCO ang 2008-2013 Medium Term Strategy upang makamtan ng mga bansa ang mga mithiin sa Education for All (EFA) na sinusulong ng pamahalaan. Ito'y isang pro-poor at pro-active na paninidigan ukol sa pagbibigay-daan sa quality education para sa bawat Filipino.

Sa pamamagitan nila Ambassador Jose Abeto Zaide at Preciosa S. Soliven, ang Pilipinas ay naglagak ng mahahalagang programa para sa higit na malawak na kooperasyon upang maging mas mabisa ang mga binibigay na tulong.

Itinaguyod din ng delegasyon ng Pilipinas ang mga makabagong pamamaraan ukol sa mga pagkakautang para sa palitang edukasyon at ang pagbibigay diin sa mga ibang pamamaraan ng pagaaral. Binigyan diin din ang pagsama sa teknolohiya upang lumikha ng mga tinatawag na knowledge societies. (DepEd) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PNP all set for barangay elections
»DavSur holds Habagatan Songfest
»DOLE XI launches Angel Tree
»2 major projects tackled at investment confab
»RP ICT industry aims to corner 5% of $13-bn world market
»BIMP-EAGA senior officials and ministerial meeting opens
»IBM commits to support IT education, Mindanao ICT
»Sambuokan Festival ignites unity for Mati
»Belgian expert hails DMSF dentists, students
»Feature: Partnerships built after BIMP iCon
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines