Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 29 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/25

Tagalog News: DENR IV-A magtatayo ng tanggapan sa Calamba City

Laguna (25 October) -- Ang DENR Region IV-A (CALABARZON) ay lalapit na sa kanayunan.

Mula Nobyembre 15, ang ating mga kababayan mula sa Timog Katagalugan ay mas madali nang mapagsisilbihan ng DENR IV-A sa pagtatayo nito ng tanggapan sa City Hall ng Calamba sa Laguna.

Ilang kawani ng DENR ang itatalaga sa naturang "satellite office" upang maseguro ang epektibong paghatid ng "one-stop shop" ng serbisyo mula sa iba't ibang sangay ng ahensya mula forestry hanggang environment at mines and geosciences para sa buong rehiyon ng CALABARZON.

Ang Regional Office ng DENR IV-A ay kasalukuyang nasa Roxas Boulevard sa Ermita, Manila, sa isang gusali na kung saan matatagpuan rin ang regional offices ng DENR IV-B (MIMAROPA) at National Capital Region (NCR), pati na rin ng Natural Resources Development Corporation (NRDC), ang "corporate arm" ng kawanihan.

Mismong ang alkalde ng Lunsod ng Calamba na si Joaquin Chipeco, Jr. ay nagpahatid ng kanyang pagsang-ayon kay Eduardo Principe, Regional Executive Director ng DENR IV-A, na magkaroon ng tanggapan sa maluwang, bago at modernong city hall.

Ang Lunsod ng Calamba, isang sentro ng kaunlarang pang-industriya, ay itinalagang "Regional Center" ng CALABARZON sa pamamagitan ng Executive Order No. 246. Ang paglipat ng mga tanggapan ng iba't ibang kawanihan sa mga itinalagang "Regional Centers" ay isang pamamaraan ng pamahalaan ng "decentralization." Sa kasalukuyan ay may walo nang tanggapan sa lunsod ng Calamba, at may mga direktiba na rin sa paglipat ng tanggapan ng anim pang iba, kabilang na dito ang DENR. (DENR/PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PNP all set for barangay elections
»DavSur holds Habagatan Songfest
»DOLE XI launches Angel Tree
»2 major projects tackled at investment confab
»RP ICT industry aims to corner 5% of $13-bn world market
»BIMP-EAGA senior officials and ministerial meeting opens
»IBM commits to support IT education, Mindanao ICT
»Sambuokan Festival ignites unity for Mati
»Belgian expert hails DMSF dentists, students
»Feature: Partnerships built after BIMP iCon
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines