Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 11 August 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << August 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/31

Tagalog News: CBCP itinangging nahati ang pananaw sa pagbibigay ng pardon kay Estrada

Manila (31 October) -- Pinasinungalingan nina Tuguegarao Archbishop Diosdado Talamayan, Bishop Rodolfo Beltran ng Bontoc-Lagawe at Bishop Ramon Villena ng Bayombong ang napapabalitang nahati ang pananaw ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa isyu hinggil sa pagbibigay ng pardon kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Sa makatuwid, karamihan umano sa mga Catholic bishops ay nirerespeto at nasiyahan sa naging pasya ni Pangulong Arroyo na sinuportahan din ni Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal sapagkat ito umano ay isang magandang hakbang tungo sa pagkakaisa.

Ayon pa sa mga obispo, wala silang nakikitang masama sa naging desisyon ng Pangulong Arroyo sapagkat nabayaran na ni Estrada anuman ang naging kasalanan nito sa batas sa pagkakabilanggo nito ng higit anim na taon.

Nakasaad din umano sa batas na may karapatang magbigay ng executive clemency ang Pangulo sa mga bilanggong may edad 70 pataas kung kaya't nananawagan sila sa publiko na sa halip na batikusin ang Pangulo, mas makabubuti umanong makiisa na lamang sa pamahalaan para sa ikabubuti ng nakararami. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Provinces in Mindanao given priority for agri-business, DA says
»Feature: Davao region uses the most contraceptives; ARMM the fewest
»Madrasah policy managers off for study tour
»Kapalong observes Nacoco Week
»"Bilis Release" program highlights nat'l correctional consciousness week in Region 8
»Region 8 body cites Calbayog City, Cabugcayan town best LGUs in MDG localization
»Protesting Sumilao farmers reach Tacloban
»Military service awaits patriotic applicants
»DepEd 8 chief joins Madrasah study tour to Malaysia, Singapore and Australia
»DA lines up more reg'l barangay food terminals to expand poor's access to cheaper goods
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines