Tagalog News: Iba-ibang sektor nagpasalamat sa pag-usad ng GRP-MILF talks
Koronadal City (5 November) -- Itinuturing ng maraming mamamayan sa rehiyon na isang positibong hakbang ang muling pag-usad ng GRP-MILF peace talks.
Umani ng iba't-ibang haka-haka at spekulasyon at nagdulot ng pangamba ang pagka-antala ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa loob ng ilang buwan.
Isinagawa ng dalawang panig ang isang executive session noong Oktubre 23-24, 2007 sa Kuala Lumpur, Malaysia, kung saan napagkasunduan ang pagpapatuloy ng formal talks sa kalagitnaan ng Nobyembre ng taong kasalukuyan.
Maraming sektor partikular ang business community ang nagpasalamat sa GRP-MILF peaces panels kasabay ng pagpahayag ng pag-asa para sa matagumpay na negotiations at paglagda sa isang final peace agreement upang bumuti ang ekonomiya di lamang ng Mindanao kundi ng buong bansa. (pbc/PIA 12) [top]