Tagalog News: Kampanya laban sa tiwaling police personnel pina-iigting
Manila (5 November) -- Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Avelino Razon, Jr. na patuloy ang kanilang isinasagawang kampanya laban sa mga tiwaling mga pulis na sangkot sa iba't ibang criminal activities sa bansa.
Hindi sapat ang pagtatanggal sa serbisyo ng mga tiwaling police personnel, ani Razon kailangan ding mabigyang ng kaukulang parusa ang mga tiwaling pulis tulad ng mga ordinaryong taong nagkakasala sa batas.
Bilang bahagi ng kautusan ng PNP-Internal Affairs Service (IAS), ipinag-utos na rin ni Razon kay PNP-IAS Inspector General Alexis Canonizado ang pagpapaigting ng motu propio investigation lalo na sa mga naiulat na mga katiwalian, korupsiyon, pang-aabuso at ang pagkakasangkot ng ilang mga pulis sa mga krimen kahit na walang pormal na reklamo.
Kaugnay nito, pinaaalahanan ang mga pulis lalo na ang ilang tiwaling personnel na tumupad sa alituntunin at batas upang maiwasan ang mga kaparusahang magiging banta lalo na sa kanilang propesyon. (ajph/PIA 12) [top]