Tagalog News: PGMA nakatanggap ng papuri mula kay CA Justice Abdulwahid
Koronadal City (5 November) -- Pinapurihan ni Court of Appeals (CA) Justice Hakim Abdulwahid si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kasunod ng pagtalaga nito kay former Iligan City Judge Moslemen Macarambon bilang Comelec Commissioner kapalit ni Mehol Sadain na nagretiro sa poll body.
Ayon kay Abdulwahid ang pagkakaluklok kay Macarambon bilang Comelec commissioner ay malinaw na nagpapakita ng pantay na karapatan lalo na sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga kwalipikadong mga Muslim na magsilbi sa ating bansa.
Binigyang diin ni Abdulwahid na naging malaking tulong din sa pagkatalaga ni Macarambon ang kanyang magandang background sa larangan ng serbisyo publiko at ang malawak na karanasan bilang trial judge sa loob ng mahabang taon. (ajph/PIA 12) [top]