Tagalog News: Magandang legasiya para sa mga Pilipino tiniyak ng Pangulo
Manila (14 November) -- Tiniyak muli ng Pangulong Gloria Arroyo na makakamit ng bansa ang katahimikan at ang panibagong pag-asa bilang magandang legasiyang ipapamana sa mga Pilipino bago magtapos ang kanyang termino sa taong 2010.
Kasalukuyang pinag-iibayo ng pamahalaan ang pagsisikap nitong maabot ang nasabing vision ng bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa at proyektong pangkaunlaran, pagpapatibay ng relasyon sa mga kaalyadong bansa, at ang pagbibigay pansin sa patuloy na peace process sa Mindanao.
Ayon kay Pangulong Arroyo ang mga hakbang na ito ay tiyak na makakatulong upang maabot ang matatag na pulitika, maunlad na ekonomiya, at ang katwisayan at kaayusan sa buong bansa.
Binigyang diin din ng Pangulo na ang pagkakaroon ng pagkakaisa ay isa sa mga magagandang hakbang upang agarang maabot ang pambansang layunin kabilang na ang pagiging 1st world status sa loob ng dalawampung (20) taon. (ajph/PIA 12) [top]