Tagalog News: Suporta ng pamahalaan sa microfinance patuloy
Manila (16 November) -- Bilang bahagi ng patuloy na suporta ng pamahalaan para sa microfinance assistance, namahagi si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng tseke para sa medium enterprise businessmen na makakatulong upang mapa-unlad ang sektor ng pagnenegosyo sa bansa na kabilang sa layunin ng Pamahalaan na makamit ang First World status sa loob ng dalawampung taon.
Ang nasabing tseke na nagkakahalaga ng P15,000-P30,000 ay nagmula sa pondo ng Livelihood Support Fund (NSLF) at sa People's Credit and Finance Corporation (PCFC) kung saan umaaasa ang pamahalaan na sa pamamagitan nito lalong mapalawak ang Anti-poverty program para sa mamamayan.
Matatandaang ng nakalipas na 2001, naglaan din ito ng P80 billion na pondo para sa microfinance assistance at P100 bilyong pisong pondo din ang inilaan nito para sa Small and Medium Enterprises (SMEs) sa ilalim ng Sulong program na nagsimula ng taong 2004 na nakapagbukas ng mahigit isang milyong tabaho para sa mga Pilipino. (Abb/PIA 12) [top]