Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 May 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/11/19

Tagalog News: Pagtatayo ng Sorsogon community center inaprubahan

by Benilda A. Recebido

Sorsogon Province (19 November) -- Inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang resolution No. 99-2007 ang pagtatayo ng isang community center dito sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng probinsya ng Sorsogon at ng Intervida, isang non-government organization.

Ang naturang community center na itatayo sa Provincial Capitol compound ay naglalayong mapalawak ang kamalayan ng mga lokal na residente ukol sa kabuhayan, kasanayan, sining at kulturang Sorsoganon.

Sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ng Provincial Government at ng Intervida na nirebisa ng Committee on Women and family Relations, rules, Privileges and Amendments and Education and Culture na pinamunuan ni Board Member Rosario Diaz, nakasaad dito na aakuin ng Intervida ang ang pagpapakumpuni, pangangalaga at pagmamantini ng proposed center; magmamanman at magkokontrol sa operasyon nito, mamamahala at magpapatupad ng mga proyekto at programa nito, pipili at tatanggap ng mga empleyado na mamamahala ng center, magbabayad ng mga bayarin sa telepono at internet at bubuo ng working committees na magpaplano at magmomonitor sa implementasyon ng mga aprubadong aktibidad at programa.

Ang provincial government naman ang magbibigay ng lokasyon at gusali para sa itatayong center na uupahan nila sa Intervida sa pamamagitan ng usufruct basis at ang siyang magbabayad sa mga electric at water dues.

Ang annex building ng dating provincial hospital ang kinukunsidera ngayon para sa naturang proyekto. Matatandaang ang nasabing gusali ay ibinigay na bilang donasyon sa Sorsogon Museum and Heritage, Inc. (SMHI) na siyang paglalagyan ng nabanggit na provincial museum.

Sa isang committee report ng Sanggunian, nakasaad ang pagsang-ayon ni Msgr. Farncisco P. Monje, chairman ng SMHI sa paggamit ng nasabing annex building bilang community center.

Ang proyektong ito ay inaasahang makapagbibigay-daan upang ma-expose ang mga mag-aaral at mga street children, mga kabataan, adults at maging ang mga senior citizen sa iba't-ibang socio-cultural activities tulad ng pagsasayaw at pagpipinta. Subalit nakatakda pa ring magkaroon ng mga pag-uusap sa pagitan ng ng nabanggit na mga sektor upang mas higit na malaman kung ano ang tunay nilang pangangailangan na maaaring masagutan ng nasabing programa.

Kabilang sa mga minor amendments sa MOA na inirekomenda ng SP resolution ay ang mga specifications sa pagtatayo ng gusali tulad ng sukat ng lote at gusali at karagdagang representasyon ng iba't-ibang mga sektor sa working committees.

Ayon naman kay Vice Governor Renato Laurinaria, laging nakahandang sumuporta ang SP sa paggawa ng mga batas na may kaugnayan sa mga proyekto at programang nais ipatupad ng kasalukuyang administrasyon. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»RDC-8 updates social component of regional dev't plan
»Commentary: Basic education reform agenda supports PGMA's education-for-all program
»Northern Mindanao workers granted P10 additinal COLA
»Commentary: As truth unravels, motives are revealed
»Cebuano News: Bridges program gilusad ni PGMA
»Farm, aggie products sufficient, affordable
»LGUs can help combat air pollution - DILG
»Cebu legislator emulates PGMA
»TESDA Caraga's LSI swamped by applicants, offers scholarships
»Musings of an overseas worker: Shifting careers need not mean becoming idle
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines