Tagalog News: Pakikipagsosyo ng mga magsasaka sa Secura
Manila (19 November) -- Maraming mga magsasaka ang nakikipag-ugnayan sa isang biotech firm Secura International para sa pagtatag ng sariling malunggay nurseries.
Inihayag ni director Alicia Ilaga ng Department of Agriculture's biotechnology program na ang mga pribadong nurseries ay malaking tulong sa malunggay nurseries na naitatag ng mga ahensiya sa ilalim ng Department of Agriculture. Maraming kooperatiba ng mga magsasaka ang nagsimila sa rin sa pagtatanim ng malunggay gaya ng Malunggay Farmers Development Corporation sa Bamban, Tarlac na may labing-limang ektaryang taniman ng malunggay.
Inihayag din ng Secura na pursigido itong makipagtulungan sa mga magsasaka na gustong magtanim ng malunggay. Ang secura ay nag-e-export moringa oil sa iba't ibang kompanya na ginagamit nito para sa personal health care products. Nakasuplay na rin ito ng powdered malunggay leaves sa mga local food processors. (BEA/PIA 12) [top]