Tagalog News: Pagpapa-unlad sa pamumuhay ng mamamayang Pilipino itataguyod
Manila (20 November) -- Pinag-iibayo ng National Food Authority (NFA) ang kampanya nito upang maiwasan ang price manipulation at iba pang mga illegal rice trading practices. Ito'y kasunod ng direktiba ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na mapataas sa P11 mula sa P10 ang buying price ng National Food Authority (NFA) na malaking tulong upang mapataas ang kita ng mga magsasaka at mapa-unlad ang pamumuhay ng mamamayang Pilipino.
Pinagtutuunan pansin din ng NFA na magkaroon ng sapat suplay ng bigas sa lahat ng mga Tindahan Natin outlets, Bigasan ni Gloria sa Palengke (BGP) rice outlets, rolling stores, at maging sa mga lisensiyadong rice retailers sa bansa, upang magkaroon ng access ang mga Pilipino sa kalidad na bigas na mabibili sa abot kayang halaga na magiging daan upang wakasan ang kahirapan at pagkagutom sa banssa.
Para sa karagdagang impormasyon at katangungan tungkol sa presyo ng bigas ng National Food Authority (NFA) maaaring makipag-ugnayan sa NFA sa cellphone No. 09176210927. (Abb/PIA 12) [top]