Tagalog News: Sultan Kudarat ipinagdidiriwang ang 34th foundation anniversary
Koronadal City (22 November) -- Idineklara ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang ika 22 ng Nobyembre (ngayong araw) bilang special non-working holiday sa lalawigan ng Sultan Kudarat. Ito'y kasabay ng pagdiriwang ng ika 34th foundation anniversary ng naturang lalawigan.
Batay sa Proclamation No. 1417 na nilagdaan ng Pangulo, pinahihintulutan nito ang mga residente ng mahigit sampung (10) bayan at isang lungsod ng Sultan Kudarat na makiisa sa pagdiriwang ng kalayaan ng lalawigan sa pamamagitan ng pagsagawa ng iba't ibang activities.
Ang Sultan Kudarat na kasalukuyang pinamumunuan ni Suharto "Teng" Mangudadatu, ay nagmula sa pangalan ng isang Muslim ruler, si dating Sultan Mohammad Dipatuan Kudarat ng Maguindanao na namuno ng taong 1625 hanggang 1671.
Kinilala rin si Sultan Mohammad Dipatuan Kudarat bilang "direct descendant" ni Shariff Kabungsuan, isang misyonaryong Muslim na nagdala ng paniniwalang Islam sa Mindanao. (ajph/PIA 12) [top]