Tagalog News: Mahigit 40,000 armchairs naipamahagi sa buong Rehiyon 12
by Andrew Hornales
Koronadal City (22 November) -- Mahigit 40,000 na armchairs ang naipamahagi na sa buong rehiyon dose (12) sa ilalim ng Chair-for-Trees Program ng DOLE Philippines, Incorporated.
Ang Chairs-for-Trees Project ay itinataguyod ng DOLE Philippines na naglalayong matugunan ang mga pangangailangan sa kapaligiran, edukasyon at pangkabuhayan ng buong rehiyon ng SOCCSKSARGEN.
Kabilang sa mga pangangailangan na tinutugunan ng programa ay ang pamimigay ng armchairs sa mga pampublikong paaralan kapalit ang pagtatanim ng isang puno sa bawat upuan.
Ngayong araw (Nov 22), ipamahagi ng DOLE Philippines ang mga upuan sa mga pampublikong paaralan sa bayan ng Surallah na tatanggapin ni Mayor Romulo Solivio at ni Department of Education Region 12 Director Luz Almeda.
Ang hakbang na ito ay sumusuporta sa 10-point agenda ng pamahalaang Arroyo at sa programang "Linis Hangin sa Siyudad" na isinusulong ng Department of Environment and Natural Resources kasabay ng taunang pagdiriwang ng Clean Air Month ngayong Nobyembre. (PIA 12) [top]