Tagalog News: PGMA nananawagan ng pagkakaisa sa gitna ng pananalasa ng mga super typhoons
Manila (23 November) -- Nananawagan si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng pagkakaisa sa gitna ng pagbayo ng bagyong "Lando" at ang matinding banta ng bagyong "Mina" na inaasahang tatama sa bansa ngayong araw.
Upang maseguro ang kaligtasan ng mga residenteng naninirahan sa mga typhoon-affected areas, pinaghanda na ng Pangulo ang mga government concerned agencies lalo na ang pagpapatupad ng mga disaster preparedness measures.
Kabilang sa mga security measures ang mass evacuation ng mga residenteng naninirahan sa posibleng daanan ng bagyong "Mina," at ang pagsuspende ng mga klase sa lahat ng antas sa mga typhoon-affected areas ngayong araw.
Inatasan din ng Pangulong Arroyo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magpalabas ng mga heavy equipments sa mga stratehiyang lugar upang maiwasan ang mga magiging abala sa mga pangunahing daanan at ang Department of Health sa paghahanda ng mga gamot at mga medical supplies para sa mga biktima ng bagyo.
Kasalukuyan, mahigpit na minomonitor ng pamahalaan katuwang ang mga government concerned agencies ang pagpapatupad ng mga security measures upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan. (ajph/PIA 12) [top]