Tagalog News: PGMA ipinag-utos ang pagmonitor sa mga presyo ng bilihin
Manila (28 November) -- Inatasan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Agriculture (DA) na paigtingin ang pagmonitor sa presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na sa lugar na apektado ng mga bagyong "Lando" at "Mina."
Kasunod ng ulat na umanoy pagtaas ng ilang presyo ng mga pangunahing bilihin, ipinag-utos din ng Pangulong Arroyo sa Philippine National Police (PNP) ang paghuli sa mga tindero at tinderang nananamantala lalo na sa panahon ng kalamidad.
Bago pa man makarating sa bansa ang bagyong "Nonoy,", agad na pinaaalahanan ni DTI Secretary Peter Favila ang mga vegetable dealers na dalhin ang mga paninda sa mga Metro Centers upang maiwasan ang pagkabalam ng kanilang delivery bunsod ng bagyo at mga pagbaha lalo na sa Luzon at iba pang bahagi ng Visayas. (ajph/PIA 12) [top]