Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 May 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/11/30

Tagalog News: Pahayag ng Presidente: Tungkol sa Manila Peninsula Standoff

Malakanyang, Maynila, 29 Noviembre 2007

Mga kababayan, nagpupugay tayo sa mga alagad ng batas, katulong ang mga kawal ng Sandatahang Lakas, sa mabisa at mabilis na pagresolba sa ligalig sa Makati. Ating iniutos na pawiin ang anumang mga bantang nalalabi upang mapa-iral nang lubusan ang batas at kaayusan.

Dapat walang duda sa pag-iral ng batas sa bansang ito, at sa kakayahan ng Pamahalaan na ipatupad ang tama laban sa mali.

Ang mali at ligaw na gawain ng iilan ay hindi nangungusap para sa taong bayan o sa hukbo at kapulisan. Gaya nang dati, ipapataw sa kanila ang buong tindi ng katarungan nang buong higpit at walang palugit.

Itutuloy ang paglilitis ng mga rebeldend sundalo hanggang sa wakas alinsunod sa batas. Ayon sa nararapat, maghahanda ng karagdagang mga asunto upang papanagutin ang mga gumawa ng bagong krimen.

Walang patid ang linya ng panunungkulan ng Sandatahang Lakas; at patuloy ang ating mga kawal at pulis sa kanilang makabayani at mapagmalasakit na paglilingkod sa buong bansa. Nananalig tayo sa mga naka-uniporme sa kanilang pagtataguyod ng lehitimong awtoridad at mahal na watawat.

Nananawagan tayo sa lahat na talikdan na itong sandaling ligalig at balikan ang gawain ng taumbayan. Hindi dapat matigil kahit sandali ang ating pakikibaka laban sa kahirapan at para sa katarungan.

Paulit-ulit nating ipinamalas sa mundo ang katatagan ng mga institusyon ng ating demokrasya at ang kalakasan nitong pamahalaan. Saligan ng ating matatag na republika ang malakas na ekonomiya na buong itinataguyod ng sambayanang Pilipino. (OPS) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Womynet prepares for International Human Rights Day
»DTI warns retailers vs price manipulations
»Alston's findings saddens AFP
»No sufficient data on effects of long exposure to electromagnetic field - expert
»PGMA: Gov't determined to root out corruption
»US gov't reiterates support for rule of law in RP
»Cop killed in action in Samar village
»Cebuano News: Gobyerno kontrolado ang sitwasyon Malacanang
»Statement of Secretary Jesus G. Dureza on Manila Peninsula Hotel situation
»Tagalog News: Pahayag ng Presidente: Tungkol sa Manila Peninsula Standoff
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines