Tagalog News: Philippine market pansamantalang naapektuhan sa standoff
Manila (3 December) -- Aminado si Trade and Industry Secretary Peter Favila na pansamantalang naapektuhan ang Philippine market dahil sa naganap na standoff sa Makati City kamakailan ngunit agaran naman itong bumawi ng mga sumunod na araw.
Iniulat naman ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza sa Gabinete ng Pangulo na magpapatuloy ang mga Mindanaoenos sa pagsuporta sa pamahalaan kasabay ng pagkondena ng mga ito sa mga rebeldeng militar.
Tiwala naman si Dureza, na kung kayang solusyunan ng pamahalaan ang suliranin sa Mindanao, magagawa din nitong solusyunan ang mga ganitong uri ng kaguluhan sa tamang pamamaraan. (PIA) [top]