Tagalog News: Pangulo pinarurihan ang mga alagad ng batas
Manila (4 December) -- Pinapurihan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang lahat ng alagad ng batas na tumulong sa mga kawal ng Sandatahang lakas dahil sa mabisa at mabilis na pagresolba sa naganap na stand off sa Makati kamakailan upang muling manumbalik ang katahimikan at kaayusan sa bansa.
Malaki ang tiwala ng Pangulo sa patuloy na panunugkulan ng Sandatahang lakas at mga kapulisan lalo na sa kanilang makabayani at mapagmalasakit na paglilingkod sa buong bansa.
Ayon sa Pangulo hindi dapat na matigil kahit sandali ang pakikibaka laban sa kahirapan at para sa katarungan sabay ng paghijkayat nito na talikuran ang sandaling ligalig sa halip ay balikan ang gawain ng taumbayan.
Ipinaabot din ng Pangulo sa buong sambayanan ang katatagan ng institusyon ng demokrasya at kalakasan ng pamahalaan kung saan binigyang diin nito na unti-unti ng naipa-abot sa mamamayan ang bunga ng matatag na ekonomiya ng Pilipinas. (Abb/PIA 12) [top]