Tagalog News: 30% increase sa lump sum provision para sa Mindanao
Manila (5 December) -- Inihayag ni Speaker Jose de Venecia na makakatanggap ng tatlumpung porsyento ng lump sum provision ang Mindanao sa taong 2008 na gagamitin sa mga programa at mga proyekto na inaasahang magpapaunlad sa buong rehiyon.
Inihayag din nina De Venecia at Chairman of the House Committee on appropriation Rep. Edcel Lagman na ang nasabing pagtaas ng tatlumpung porsyento ay makakatulong sa pag-unlad ng Mindanao sa kabila ng nagdaang mga dekada ng kaguluhan, social at economic problems na kinakaharap nito.
Binigyang diin din ni De Venecia na dapat simulan na ng mga governors, congressmen at regional directors na tukuyin ang iba pang tatlumpu hanggang limampung mga pangunahing mga proyekto para sa rehiyon at itatag ang mga tiyak na mga proyekto ito. (BEA/PIA 12) [top]