Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 2 July 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << July 2022 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/12/06

Tagalog News: Permanent relocation sites sa mga apektado ng Mt. Bulusan nasa proseso na ng pag-aaral

Sorsogon Province (6 December) -- Nasa proseso na ng pag-aaral ang mungkahi ni Sorsogon Governor Sally A. Lee ukol sa pagpapatayo ng mga bagong komunidad na magsisilbing permanent relocation sites ng mga pamilyang apektado ng nakaambang panganib dala ng posibilidad ng pagputok ng Mt. Bulusan na sa ngayon ay konsideradong isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas.

Ang Mt. Bulusan na napapaligiran ng mga munisipyo ng Irosin, Juban, Bulusan, Casiguran, Gubat at Barcelona ay huling sumabog noong July 31 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Lee, ang kanyang mungkahi ay isang long-term program subalit, aniya, ito ang pinakapraktikal at cost-effective solution sa paulit-ulit na suliranin at panganib na dala ng aktibong bulkan.

Sinabi rin ng gobernador na ang mungkahing relocation sites ay itatayo sa mga lugar na hindi sakop ng five-kilometer danger zone. "Dalawang lote ng lupa sa munisipyo ng Irosin ang pinag-aaralan ngayon upang maging permanenteng paglilipatan ng naturang mga apektadong pamilya," ayon pa sa kanya.

Ang bagong komunidad ay lalagyan ng mga tahanang may pasilidad at oportunidad pangkabuhayan para sa mga mamamayang titira dito.

Aniya, pangunahing layunin nito na tuluyang maialis ang residente sa mga tiyak na panganib sakaling magkaroon ng fatal volcanic eruption. Ito rin, ayon kay Lee, ang tuluyang sasagot sa mga logistical problems na kinakaharap ng lalawigan sa tuwing nagiging mapanganib ang bulkan.

Sa kasalukuyan ang mga paaralan ang ginagawang evacuation centers ng mga residente ng apektadong barangay. Subalit, habang binibigyan ng pansamantalang ligtas na tirahan ang mga evacuees, nagiging sanhi naman ito upang maparalisa o maapektuhan ang mga klase dahilan upang magtiis ang mga mag-aaral. Sa oras na ligtas na sa panganib, muling babalik ang mga residente sa kanilang lugar at muling pababalikin sa mga evacuation centers. Nagiging paulit-ulit ito at nagiging magastos sa bahagi ng lokal na pamahalaan.

Ayon pa kay Lee, dalawang bagay ang hindi niya makokontrol, una ay ang pagdating ng mga kalamidad at pangalawa ay ang pagbabalik ng halos ay 100,000 na mga residente sa kani-kanilang mga lugar kung saan naroroon ang kanilang pinagkakakitaan at hanapbuhay. Subalit, aniya, maari naman niyang gamitin anumang meron ang pamahalaan upang mabigyan sila ng alternatibong pagkakakitaan, makapagpatayo ng bagong komunidad, bigyan ng ligtas na lugar kung saan maaari silang makapagsimulang muli.

Sa halip, aniya, na gamitin ang mga resources ng pamahalaan sa paulit-ulit na rescue operations, mas magiging logical na himukin sila na manirahan sa bago, ligtas at tuluy-tuloy na produktibong pamumuhay. Ayon pa sa kanya, ang paglilipat sa mga residente malalapit sa mga kostales na lugar ay makababawas din sa polusyon partikular sa mga anyong-tubig dito.

Samantala, nanawagan naman si Lee at si Municipal Mayor Lilia Gonzales sa mga residenteng malalapit sa Mt. Bulusan na pag-ibayuhin ang pagiging alerto at ang pag-iingat bunsod ng malalakas na pag-uulan kahapon kung saan ilang mga ilog din dito ang nagkaroon ng pagtaas ng tubig. Anila, maaaring maulit ang kahalintulad na pag-uulan na maaaring magdalang muli ng panganib dahilan sa pagragasa ng lahar at pag-apaw ng tubig. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DPWH inspects public structures, bridges in Davao
»LGUs best performers in nutrition implementation, says NNC
»Filinvest sets new investments in Davao City
»Medium-rise residences woo Davao residents
»Roxas: CyberEd project just a waste
»RDC XI to push for Davao railway system, Samal Bridge project
»DOH XI espouses safe motherhood
»Commentary: The need to pass priority bills for protection of children
»Free scalpel-less vasectomy scheduled in Cebu early next year
»DSWD bats for comprehensive program to hasten rehab of human trafficking victims
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines