Tagalog News: Nutrition industry pinapurihan ng Pangulo
Manila (18 December) -- Pinapurihan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nutrition industry sa pagsisikap nito na mapababa ang infant mortality rate ng bansa sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa ng mga programa na naglalayong wakasan ang pagkagutom sa bansa at mabigyan ng sapat na impormasyon ang bawat pamilya kaugnay sa tamang nutrisyon.
Umaasa ang Pangulo na sa pamamagitan ng patuloy na implementasyon ng mga programa ng nutrition industry, tuluyan ng mapababa ang infant mortality rate ng bansa kung saan hinihikayat din ng pangulo ang mga ospital na maki-isa sa kampanya ng pamahalaan na wakasan ang pagkagutom at mapababa ang bilang ng namamatay na mga sanggol.
Ayon sa ulat ng Millennium Development Goals, bumaba sa 32 ang bilang ng child mortality ng bansa mula sa 40 bilang sa bawat isang libong sanggol ipinanganak kung saan hangarin ng pamahalaan na mapababa pa sa 27 ang bilang ng mortality rate sa taong 2015. (Abb/PIA 12) [top]