Tagalog News: Pamaskong Handog ni Pangulong Arroyo ipinamigay sa Agusan del Sur
Koronadal City (19 December) -- Ipinamigay ng Provincial Social Welfare Office ang mga Christmas gifts sa 8,750 beneficiaries ng Agusan del Sur galing sa Pangulo sa ilalim ng kanyang programang Pamaskong Handog ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Inihayag ni Provincial Social Welfare Officer Josefina Bajade na isang libong Agusanos lamang ang tanging makakatanggap ng mga regalong naglalaman ng bigas, mga canned goods, noodles at iba pa.
Kaugnay nito, inihayag din ni Bajade na ipamimigay ang ibang mga regalo sa ibang mga beneficiaries sa pagdating ng Pamaskong Handog ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanilang opisina sa buwang ito.
Binigyang diin din ni Bajade ang 250,000 piso na kabuuang halaga ng mga regalo at 250 piso naman ang halaga ng bawat regalong ipinamigay sa mga residente ng Agusan del Sur. (BEA/PIA 12) [top]