Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 2 July 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << July 2022 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/12/20

Tagalog News: Sagot sa kahirapan at alternatibong pangkabuhayan isinusulong ng DTI

Sorsogon Province (20 December) -- Dalawampu't-isang food processors kabilang na ang ilang nanay ng mga ulila ng Shalom Foundation, Inc. na nakilahok sa "Skills Training on Food Processing" na isinagawa kamakailan dito sa syudad ng Sorsogon, ang natuto ng mga bagong kaalamang higit na makatutulong upang makapagpundar o di kaya'y mas makapagpalago pa ng mga negosyo partikular yaong may mga kaugnayan sa industriya ng pagkain.

Ayon kay Flora See, over-all in-charge ng isinagawang pagsasanay, naging maganda ang resulta ng aktibidad lalo na't nagpakita rin ng aktibong partisipasyon ang bawat kalahok.

Sa nasabing training, tinuruan ang mga kalahok ng tamang hakbang sa pagpoproseso ng mga tapong bahagi ng mga pagkain tulad ng balat ng saging, pinagkuhanan ng gata ng niyog at iba pang mga indigeneous materials upang gawing pagkain.

Ilan sa mga ito ay ang paggawa ng lumpiang shanghai, burger patties at bola-bola na galing sa mga tapong bahagi ng mga rootcrops, saging at iba pa. Maaari din itong gamitin bilang mga meat extenders upang hindi gaanong magastos ang gagawing produkto at magkaroon ng mas malaking kita.

Sinabi ni See na isinusulong nila ang mga aktibidad na tulad nito upang mabigyang kaalaman ang mga kalahok kung papaanong mapapakinabangan ang ilang mga food stuff at indigeneous materials na sa kanilang akala ay wala nang pakinabang subalit, ayon sa kanya, ay maaari palang makasagot sa posibleng pagkagutom o di kaya'y maging alternatibong pagkakakitaan.

Ang naturang skills training ay pinangunahan ni Ressalyn G. Mendoza, Food Technologist ng Department of Trade and Industry sa pakikipagtulungan ng Shalom Foundation, Inc. ng syudad ng Sorsogon.

Sinabi ni Mendoza na una pa lamang ito sa mga nakahanay na mga skills training na nakatakda nilang gawin sa susunod na taon para sa mga Sorsoganon. Ito rin, aniya, ang isa sa mga tugon sa panawagan at programa ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng poverty alleviation at hunger mitigation program na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon.

Tiniyak din nitong garantisadong aprubado ang mga ipinakikilala nilang mga kasanayan lalo pa't mga lisensyadong food technologists ang mga tagapagsanay nila, at sa pamamagitan aniya ng aktibong partisipasyon ng mga kalahok, mas lalo pa nilang mapalalago ang kanilang kaalaman at mapatataas ang antas ng kanilang kanuhayan. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»80% of deafness can be prevented, says expert
»DepED holds "Tuloy ang Pasko sa mga Bata"
»NLRC XI welcomes new labor arbiter
»Zamboanguenos eye wider economic opportunities with 2008 completion of Zambo port expansion
»Zambo solon explains yes vote to cheaper medicines bill
»Region 8 KALAHI-CIDSS project wins 2 golds, citations for best practices
»NVizcaya GK receives assistance from DA
»Four more GK sites to rise in Quirino
»Mobile teachers reach out to remote localities
»Mobile teachers bridge education gap in remote villages
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines