Tagalog News: Pangulo pinasinayaan ang Nayong Pilipino complex
Manila (26 December) -- Pinasinayaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Nayong Pilipino Complex sa Clark Expo (NPCE) sa Pampanga na magiging sentro ng cultural, historical at custom heritage ng Pilipinas.
Ang Nayong Pilipino sa Clark Expo ay isang fully-developed cultural theme park kung saan makikita dito ang museum, katutubong bahay, arts and crafts centers ng Northern at Southern Philippines, restaurants, meditation gardens, at mga special features para sa mga okasyon, exhibits, at cultural performances.
Kasabay din ng pagpapasinaya ng Pangulo, namahagi ito ng limampung (50) gift packs na naglalaman ng bigas, noodles, at canned goods para sa mga kabataan mula Department of Social Welfare and Development (DSWD) affiliated institutions.
Ang limampung DSWD-children na tumanggap ng nasabing mga gift packs ay kabilang sa 400 na mga kabataan at 600 na mga mahihirap na pamilya mula sa affiliated institutions kasama na dito ang Haven for Children, Tarlac Lingap Center, Home for the Kids of Nueva Ecija at iba pang mga institusyon. (Abb/IA 12) [top]