Tagalog News: DA food team binuo ng Kagawaran ng Agrikultura
Manila (28 December) -- Upang masegurong mapanatili ang sapat na supply ng abot kayang mga bilihin para sa mamamayang Pilipino, binuo ng Kagawaran ng Agrikultura ang DA Food Team na itinalaga upang magmonitor sa supply ng pangunahing bilihin lalo na sa panahon ng pananalasa ng mga kalamidad sa bansa.
Ng nakalipas na December 7 ng taong kasalukuyan, umabot sa P854 million na mga ari-arian ang nasira bunga ng pananalasa ng bagyang "Lando at Mina" kung saan umabot sa P432 million na mga ari-arian ang nasira sa Region 2 at Cagayan Valley.
Ayon kay Department of Agriculture Secretary Arthur Yap, ang DA Food Team ay binubuo ng walong grupo na pangungunahan ni DA Assistant Secretary Salvador Salacup upang pagtutuonan pansin at mamonitor ang supply ng bigas, livestock at poultry, mais, gulay at mga prutas, isda, asukal at supply ng niyog sa bansa. (Abb/PIA 12) [top]