Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 4 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2021 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/10/07

Tagalog News: Mobile blood donation sa Gloria, tagumpay; 60 nagboluntaryo

Calapan City (7 October) -- Sa bawat lakad ng Oriental Mindoro Provincial Blood Council sa iba't ibang panig ng lalawigan upang palaganapin ang dakilang layunin ng voluntary blood donation campaign, naroroon ang hangarin at pag-asa na sana, marami ang boluntaryong magbigay ng dugo upang marami ring buhay ang madugtungan, upang maraming taong nangangailangan nito ang matulungan.

Huling araw ng Setyembre nang magtungo ang grupo sa bayan ng Gloria.

Dito, 60 mga mamamayan, na kinabibilangan ng mga kapitan ng barangay, mga pulis, sundalo, mga myembro ng transport groups, religious organization, mga simpleng mamamayan mula sa 27 barangay ng Gloria ang buong-pusong nagkaloob ng kanilang dugo.

Isinagawa ang Blood Letting Activity bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-apatnapu't apat na taong pagkakatatag ng Gloria bilang isang ganap na bayan na sumentro sa temang "Pagtataguyod ng mga Proyektong Pambayan, Pagsulong Tungo sa Kaunlaran".

Ang gawain ay magkakatuwang na itinaguyod ng OMPBC, sa pangunguna ni Bise-Gobernador at kasalukuyang OMPBC Chairman Estee M. Aceron, Pamahalaang Bayan ng Gloria, sa pangunguna nina Mayor Romeo Alvarez at Gloria ABC President Rimando Recalde.

Ipinaabot ni Mayor Alvarez ang taus-puso niyang pagbati at pasasalamat sa lahat ng kanyang mga kababayan sa ipinakita ng mga itong buong pagsuporta sa mga proyekto ng pamahalaan, partikular sa blood letting activity at sa kasabay nitong Job Fair. Hinikayat niya ang kanyang mga kapwa punumbayan at mga opisyal ng iba't ibang bayan na suportahan at tumulong sa pagtataguyod sa voluntary blood donation ng lalawigan.

Para naman kay ABC President Recalde, matagal na nila aniyang, pinaghandaan ang blood letting activity na ito na nakita nilang solusyon sa karaniwan nang suliranin ng mga katulad niyang kapitan ng barangay, sa panahon na may mga nasasakupan silang maysakit at kagyat na nangangailangang masalinan ng dugo.

Sa gawain, hinikayat ni Bise-Gobernador Aceron ang lahat na makiisa at maging bahagi ng kasaysayan sa isasagawang mass blood donation activity ng Oriental Mindoro Provincial Blood Council sa Disyembre 5 sa Calapan City Hall. Layunin nito na makapangalap ng mahigit sa 800 blood donors na sabay-abay na magkakaloob ng kanilang dugo upang makagawa ng bagong Philippine record sa mass blood donation.

Naging kabalikat ng OMPBC sa gawain ang mga kawani ng DOH Calapan, Gloria at Bansud.

Kabilang sa mga nakiisa sa gawain ang Philippine National Police sa pangunguna ni Gloria Chief of Police Niel Apostol, Philippine Army sa pangunguna ni Philippine Army 4IB Charlie Company Executive Officer 2nd Lieutenant Ronald Bellosillo, Institute of Business, Science and Medical Arts (IBSMA), transport group, Alpha Phi Omega at iba pang mga samahan at organisasyon. (PIA-MIMAROPA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Statistical exhibit opens in Iloilo
»Expert calls on gov't to open public debate on nanotech
»Old Bangoy airport mulled as logistics hub
»Landscapers see bright prospects for landscaping industry
»Davao City to host 7th national convention of career executive service officers
»NPA rebel surrenders, another arrested
»Leyte's 5,077 MSMEs registered in 2007 generate more than 11,000 new jobs
»President Gloria Macapagal Arroyo's Speech during the 10th Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines, Inc. (SEIPI) CEO Forum
»PGMA sees RP economic rebound by next year
»PGMA accepts Peru's invitation to attend APEC Summit on Nov. 22-23
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines