Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 8 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2021 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/10/14

Tagalog News: Pagpapaunlad ng mga barangay patuloy na itinataguyod ng Oriental Mindoro

Calapan City (14 October) -- Pinakamababa sa istrukturang pampulitika ngunit pinakamalaki ang papel na ginagampanan sa pagsusulong ng ekonomiya ng bayan at maging ng lalawigan kung kaya't mahalaga na paunlarin ang mga barangay.

Mula nang manungkulan bilang punong lalawigan, naging panuntunan na ni Gobernador Arnan na paglaanan ng panahon ang pag-iikot at pagbisita sa mga barangay upang personal na alamin ang pangangailangan ng mamamayan at kagyat na tugunan ang mga ito.

Noong Oktubre 6, pinangunahan ni Gobernador Arnan ang pagpapasinaya ang P1M road concreting project na may habang 285 lineal meters sa Brgy. Sabang sa bayan ng Pinamalayan na naipatapos ng Pamahalaang Panlalawigan.

Kasama ng gobernador sa ribbon-cutting ceremony si Brgy. Capt. Teodulo Lontoc at ang buong konseho ng barangay.

Taos-pusong pasasalamat ang paabot ni Kapitan Lontoc sa gobernador dahilan sa kahit malayo sa kabayanan ang kanilang barangay ay maalwan na ang pagbyahe sapagkat mahaba na ang sementadong kalsada. Higit pa nitong pinabilis ang paglalabas ng produkto ng kanilang mga magsasaka patungo sa mga pamilihan na malaking tulong sa kanilang kabuhayan.

Mainit na pagtanggap at buong kasiyahang pagsalubong ang ipinakita sa gobernador ng mga taga-barangay sapagkat naglaan ang gobernador ng panahon para sa kanila. Bukod sa pagpapasinaya, siya rin ang panauhing pandangal sa kanilang idinaos na barangay assembly. Humigit kumulang sa 1,000 ang dumalo sa gawain.

Nakibahagi din sa pagpupulong sina Mayor Wilfredo Hernandez at Pambisan Malaki Brgy. Capt. Reynaldo Soriano.

Ayon sa gobernador, sa mga barangay assembly ay di gaanong inaasahan ang pagdalo ng punong lalawigan ngunit naging panuntunan na niya ang pakikiisa sa mga ganitong pagpupulong sapagkat nais niyang makita ang kalalagayan ng mga taong kanyang pinaglilingkuran at malaman ang mga programang higit nilang kailangan.

Binisita na rin ng gobernador ang Paglagnan Spillway na hinihiling ng barangay na maipaayos. Nawasak ang naturang imprastraktura sa paglaki ng tubig na dumadaloy dito sanhi ng mga bagyong dumaan noong 2006.

Ipinahayag ng gobernador na nagawan na ng Provincial Engineer's Office ng program of work ang spillway na nagkakahalaga ng P169,000.. Ngunit dahilan sa mabilis na pagtaas ng mga presyo ng materyales, kulang na ang nabanggit na halaga. Nangako ang gobernador na dadagdagan ang pondo para dito upang makumpleto ang pagawain bago matapos ang taong kasalukuyan. Bukod pa rito, paglalaanan din ng kaukulang pondo ang kahilingan ng mga guro na pagpapagawa ng stage sa Sabang High School.

Ang Pinamalayan ang sentro ng komersyo at kalakalan sa segunda distrito at isa ring pangunahing prodyuser ng agrikultura sa lalawigan kung kaya't malaki ang papel nito sa pag-unlad ng lalawigan. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Push for computerized 2010 polls starts now
»1000 Basaynons get free Philhealth cards
»DAF ARMM projects an increase in rice production output
»ARMM National Statistics Month celebration in full blast
»US Embassy donates P10-M worth of bomb detection paraphernalia to PNP XII
»LMGs attack Sultan Kudarat village; 4 civilians killed
»Great Women project launched in armed conflict PALMA-P
»Military commits no human rights violations so far, says Ando
»Community leaders seal statement of support to continued peace
»Fight against terrorism a shared responsibility, says police chief
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines