Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/02

Tagalog News: Mga manggagawa sa Sorsogon kampante pa rin sa kabila ng global economic crisis

Sorsogon Province (February 2) -- Sa kabila ng kinakaharap na global economic crisis ngayon, kampante pa rin ang ilang mga manggagawa dito partikular ang mga nasa pribadong sektor na hindi sila mawawalan ng trabaho o kaya'y magkakaroon ng pagsasara ng mga establisimyento dito sa lalawigan ng Sorsogon.

Ganito rin ang naging pahayag ni Marilyn Luzuriaga ng Department of Labor and Employment Sorsogon matapos rin ang naging pagsubaybay nila sa kalakaran ng negosyo at trabaho dito sa lalawigan nitong mga nakalipas na buwan.

Ayon kay Luzuriaga, karamihan ng mga employers sa probinsya ng Sorsogon ay pawang mga maliliit na negosyante lamang at base sa kanilang pag-aaral, lumalabas na yaong malalaking establisimyento at mga business exporters ang karamihang apektado ng krisis sa ekonomiya.

Bagama't, inamin din niyang may ilang mga empleyado ng non-government organizations partikular yaong mga foreign-funded NGOs na nagpahayag din ng kaunting epekto sa kanila, subalit, tiniyak naman ng mga ito na hindi sila magbabawas ng tao bagkus ay nagsagawa na lamang sila ng mga istratehiyang makatutulong upang mapanatiling may trabaho ang mga tauhan nila sa pamamagitan aniya ng pagbabawas ng mga gastusing hindi naman gaaanong kinakailangan sa loob ng kanilang opisina.

Sinabi rin ni Luzuriaga na base pa rin sa kanilang monitoring, wala rin silang naitatalang mga trabahador sa labas ng lalawigan o maging sa labas ng bansa na nagsiuwi ditto sa Sorsogon dahilan sa pagkakatanggal sa trabaho.

At kung magkagayon man, bukas, aniya ang kanilang tanggapan upang magbigay giya sa mga manggagawang nawalan ng trabaho nang sa gayon ay maiugnay nila ito sa kung saan sila maaaring mabigyan ng panibagong trabaho ayon sa mga kasanayan nito.

Kadalasan, aniya, ay gumagawa sila ng profiling ng mga manggagawa upang makita ang abilidad at kasanayan nito para sa re-employment sakaling may mangailangan ng trabahador.

Dagdag din niya na sa tulong naman ng Department of Trade and Industry, maaari nila itong isailalim sa mga re-training program at iba pang mga pagsasanay upang makapagtayo ito ng kanilang sariling negosyo.

Subalit, sa kasalukuyan, ayon kay Luzuriaga, ay wala namang kinakaharap na ganitong suliranin ang mga residente ng Sorsogon kung kaya't tulad ng ilang mga manggagawa ditto ay kampante rin sila at naniniwala silang resilient ang mga Sorsoganon pagdating sa pagharap sa ganitong mga uri ng krisis. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Public warned on modus operandi of illegal recruiters
»No salmonella outbreak in Sta. Rita, DA says
»19-IB gears up to obliterate remnants of North Leyte NPA front
»Army, DTI sustain livelihood tie-up in sensitive cluster barangays of Leyte
»Tribu Paghidaet, Tribu Kasag chosen 2009 Dinagyang's best
»Hiligaynon News: Madamu nga mga bagsakan centers pagatukuron karon nga 2009
»Hiligaynon News: NSO magapanguna sa selebrasyon sang Civil Registration karon nga Pebrero
»Hiligaynon News: Dental Health Month gina-selebrar karon nga Pebrero
»Hiligaynon News: PGMA kaupod ang mga pinuno sang iban nga kapungsuran sa WEF sa Davos
»Hiligaynon News: DOLE may website para sa mga nagapangita trabaho
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines